RIYA'S POV "MALUNGKOT ka yata? Is there a problem?" Ang baritonong boses na iyon ni Jocco ang nagpapitlag sa akin habang nakatingin ako sa kadiliman sa labas ng umaandar na kotse. Si Jocco ang nag-da-drive habang ako ay nasa backseat. Marahil ay nakita niya sa rearview mirror ng kotse ang nakabusangot kong mukha kaya niya iyon naitanong ng ganoon. Umayos ako ng pagkakaupo pero nanatiling nasa labas ang aking mga mata. "None of your business," malamig kong tugon. "Si Enrico ba?" nakita kong sinulyapan niya ako nang bahagya. "Pwede bang ang pag-da-drive mo ang intindihin mo at huwag ang buhay ko?" patuloy na pagtataray ko sa kanya. Wala akong pakialam kung sa kotse man niya ako nakasakay. In the first place, hndi ko naman gusto ang sumakay dito. I have no choice. Takot naman akong mag-c

