ENRICO'S POV "DON'T you dare, Jocco! Magkakasubukan tayo! Get that f*****g money dahil bayad ko na iyan para layuan mo ang asawa ko. Magpakalayo-layo ka na at huwag ka nang magpapakita sa amin ni riya!" pigil na pigil ko ang paglakas ng boses ko dahil natatakot ako na baka marinig kami ni Riya. Marahas kong binitiwan ang pagkakahawak ko sa damit niya. "Seryoso ako, Enrico," kinuha niya ang pera sa lamesa at ipinagsiksikan iyon sa aking kamay. Wala na akong nagawa kundi hawakan iyon. "Tutal naman ay inaayawan mo na ang asawa mo kaya willing na akong agawin siya sa iyo. Kaya nga ibinabalik ko na ang pera mo. Ako mismo ang nahulog sa patibong na ginawa natin. Imbes na siya ang mahulog sa akin, ako ang nahulog sa asawa mo." Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang paglalakad ni Riya. Mab

