He's so worried. Hindi nadatnan ni Vincent si Rosede sa kubo na tinutulugan nito ng maisipan niyang katukin ito kahit na alam niyang maiistorbo niya ang dalaga pero namimiss kasi talaga niya ito kaya lang wala ito roon. Napasulyap siya sa suot na relong-pambisig. Pasado ala-una na at tulog na ang lahat ng tao sa lugar na iyun! Nasaan kaya ito? Binalot siya ng pag-aalala kahit ligtas ang lugar na kinaroroonan nila hindi pa rin sila dapat makampante. Paano kung may mabagsik na hayop sa paligid kung naisip nito na magpahangin o maglakad-lakad! Sana man lang inaya siya nito at sinamahan niya. Vincent Cestal,may nakalimutan ka ata? Natigilan siya ng makarinig siya ng ingay sa gitna ng katahimikan. She's a wolf! That's her! Mabilis na tinungo niya ang nakitang daan patungo sa kagubatan.

