He's so rude! Is he really our mate? I don't like him,Princess! Napabuga ng hangin si Prinsesa Rosede sa paghihimutok ng wolf niya. Hindi talaga nito nagustuhan ang ipinakitang ugali ng lalaking itinakda sa kanila. Intindihin na lang natin.. Tsk,ang mga paa lang niya ang may damage hindi utak niya! Napangiwi si Prinsesa Rosede sa tinugon ng wolf niya. Mukhang dalawa na ang iintindihin niya. Minsan talaga hindi sila magkasundo ng wolf niya. Oh,well,sa maliliit na bagay lang naman pero..mukhang iba ngayon. Kailangan niya ng mahabang-mahaba pasensya! "Pinapahanda ko na ang tanghalian,Hija.." pukaw sa kanya ni Mrs.Cestal. Agad na binaba niya ang hawak na papel na binabasa niya. Ang medical record ng pamangkin nito. Nginitian niya ang ginang. "Nakakahiya naman po dito pa ako makikikain,"

