Proud na pinagmamasdan ni Haring Yael ang kanyang prinsesa na si Prinsesa Rosede habang abala ito sa pagbibigay ng lunas sa may sakit na kadistrito kaagapay ang Reyna. May karamdaman ang lobo na hindi agad naagapan at ng malaman iyun ng prinsesa agad-agad nito pinuntahan ang may-sakit at ilang araw na nitong binabantayan ngayon ay bumubuti na ang kalagayan nito.
"Magiging isang mahusay na manggagamot ang mahal na prinsesa,mahal na Hari," untag sa kanya ng Anda.
May ngiti na pagmamalaki na nilingon niya ito. "Nagmana siya sa amin ng mahal kong Reyna," aniya.
"Siyanga,panigurado kapag nasa mundo na siya ng mga tao lubos na magagamit niya ang talentong yan,mahal na Hari," anang nito.
Agad na nilukob ng lungkot ang Hari na maalala ang propesiya ang pagpapadala ng mga prinsesa sa mundo ng mga tao para sa mga lalaking itinakda sa mga ito.
"Naipaalam niyo na ba sa prinsesa?" pukaw sa kanya ng Anda.
Nagpakawala ng mahabang buntong-hininga ang Hari.
"Nasasabik na siyang makita ang mundo na pinagmulan ng kanyang ina..masaya siya na mas magagamit niya ang panggagamot niya roon," aniya.
"Tila malungkot kayo,mahal na Hari? Pero nauunawaan ko ang nararamdaman niyo. Magkakahiwalay muna kayo ng inyong mahal na prinsesa pasamantala," anang ng Anda.
Tumango-tango si Hari Yael. Wala siyang nais kundi maging masaya at maging malaya ang kanyang mahal na prinsesa. Alam niyang mas marami itong matutulungan sa mundo ng mga tao.
Manghang inilibot ni Prinsesa Rosede ang paningin sa buong paligid pagkatawid niya sa pagitan ng mundong-Colai at ng mundo ng mga tao.
"Kinagagalak ko kayo makilala,mahal na prinsesa," pukaw ng isang boses ng lalaki.
Agad na nakilala niya ito.
"Zei," sambit niya sa pangalan ng dating panginoon. Kilala na niya ito. Bata pa lamang siya lagi ito nababanggit ng Hari at Reyna kung paano ito naging parte ng love story ng kanya mga magulang.
Bahagya siyang yumukod ng lumapit ito sa kanya. Isang mahinang pagtawa ang agad na nagpaangat ng kanyang mukha.
"Ikaw ang dapat kong yukuran,mahal na prinsesa. Isa na lamang ako ordinaryong lobo ngayon," anito sabay kindat sa kanya ng dating panginoon.
Totoo ngang napakagwapo ng dating panginoon. Tunay na napakaswerte ng babae na inibig nito. Pinagpalit ang pagiging panginoon sa ngalan ng pag-ibig para sa isang tao lamang. Nakakamangha!
"Heto,mahal na prinsesa..nasa loob niyan ang mga kakailanganin niyo para sa paninimula niyo rito sa mundo ng mga tao," untag nito sabay abot nito sa kanya ng kulay abo na parihabang kahon.
"Salamat,Zei..kinagagalak ko kayong makilala," aniya.
Ngumisi ito. "Gayundin ako,mahal na prinsesa. Sana magustuhan niyo ang pananatili rito sa mundo ng mga tao," saad nito.
Isang ngiti at tango ang tinugon ng prinsesa rito.
Nasasabik na syang mamuhay sa Mundo na pinagmulan ng lalaking itinakda sa kanya.