Aaminin niya sa sarili na nakakaramdam siya ng guilt sa klase ng pagtrato niya kay Dra.Graciano. Kung tutuusin wala naman itong ginagawa sa kanya ng masama kundi ang tulungan lamang siya. Pero..naiinis din naman siya rito kasi kayang-kaya siya nitong pikunin! Pero kung ikaw lang ang dating Vincent malamang sa malamang magkakasundo pa kayo ng doktorang iyun..untag ng isang bahagi ng isip niya. Bago pa man siya makareak sa naisip na yun naagaw ng pagvibrate ng celpon niya na nasa ibabaw ng sidetable niya ang kanyang pag-iisip. Inabot niya yun habang nakasandal sa headboard ng kama niya. It's a unknown number. Samantha. She's call him many times but he ignore it. For what? Nang gabing malaman niya ang panloloko nito sa kanya at ng maaksidente siya doon na rin nagtapos ang lahat sa kani

