Wala mapaglagyan ang kaligayahan ni Princess Rosede na ngayon nalalapit na ang pag-iisang dibdib nila ng kanyang prinsipe. Hindi man sila prinsesa at prinsipe sa mundong ito pero kanilang mga isip at puso nakaakibat ang karangalan iyun. Mamumuhay sila ng payapa at masaya kapiling niya ang bagong pamilya at bubuoin pamilya. I'm so excited and so happy for you,My princess! Napangiti siya at tinitigan ang matingkad na kulay abong singsing. Ang singsing ng kanyang ina. Ang simbolo ng pag-ibig. "Dok...?" Agad na napasulyap siya sa isang batang nurse na nag-OOJT pa lang. "Come in," nakangiti niyang anyaya rito. "Ahm,Dok..magtatanong lang po sana ako," nahihiya nitong simula ng makalapit sa harapan ng desk niya. "Sure,ano yun?" "Ahm,makakapasa po ba ako? Ang dami ko po kasi palpak mula ng

