Masuyong hinawi ni Vincent ang ilang hibla ng buhok ng kasintahan na tumatabing sa napakaganda nitong mukha. Walang mapagsidlan ang kaligayahan niya na sa paggising niya sa umaga ay ito ang una niyang masisilayan at sisiguruduhin niyang habam-buhay iyun mangyayari. Hindi siya papayag na magkalayo sila ng dalaga. May nabuo ng desisyon sa isip niya. Sasama siya sa mundo ng pinagmulan nito. Handang-handa na siyang iwan ang lahat na meron siya sa mundong ito para sa babaeng na siyang kalahati ng kanyang buhay. Napangiti siya ng marinig ang mahinang paghilik nito. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagiging wild nito ng nakaraan gabi. Agad na nakaramdam siya ng pag-iinit muli ng katawan ng maalala muli ang mainit na pag-iisa nila ng kasintahan. Bago pa man siya tuluyan pagliyabin ng pagna

