Harap-harapan pa na nakasalubong ni Alex sina Zach at ang babae nito. Napakunot siya ng noo at pilit na inaalala kung ito ba ang babae rin na naabutan niyang nasa kama ng asawa niya kagabi. Pero hindi. It was a different woman--again! Hindi ba talaga ito titigil? Harap-harapan ba talaga kahit sa pamamahay mismo nila? "Oh, good evening. You are perhaps one of Zach's maid?" wika ng babae sa maarte nitong tinig. Napakagat ng labi niya si Alex. She is pissed now. Naniningkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang lapastangang babaeng iyon. How dare she call her a maid? Mukha na ba siyang maid sa ayos niya ngayon? Napatingin si Alex sa sarili niya. Sinuri niya ang kanyang suot. Tsk. Ano naman kung simpleng t-shirt lang at shorts ang suot ko? Does that mean I am a maid already? Minsan hi

