BEFORE Zachary left Alexandra’s empty room, nahagip pa ng kanyang mga mata ang isang papel na nakapatong sa ibabang ng kama nito. Napataas ang isang kilay niya kasabay ng pangungunot ng kanyang noo. He came to wonder what that paper is all about. Binalikan niya iyon at dinampot saka siya naupo sa kama. Dahan dahan niyang binuksan ang papel na iyon at binasa. From Alex: Alam kong sa papel lang tayo kasal at bata lang ang habol mo, pero hindi ko kayang makasama ang isang walang kwentang katulad mo sa iisang bahay. Sisikapin kong buhayin ang anak ko nang mag-isa, Zachary. Enjoy all the girls that you want. Iyon ang nakasulat sa liham. Zachary found himself na niyuyukot ang papel na iyon. He is doomed now. Kailangan niyang mahagilap si Alex bago pa siya hanapin ulit ng Daddy niya. But how?

