“Master Ken! This is the reports from the share holders that you need to sign,” aniya sa binata habang nakaupo ito sa swivel chair.
Tinapunan siya nito ng tingin na animo'y nakakita na naman ng mapagkakatuwaan. Nakasuot siya corporate attire. Nakapusod ang buhok niya at may salamin sa mata. Ito ang trip niyang isuot dahil siya ang tumatayong sekretarya s***h bodyguard pa rin ng binata. Matagal-tagal na rin ang nakalipas, apat na taon na rin mula nang matagpuan niya ito.
“How many times do I have to repeat myse—”
“Yah, yah! I know, matigas lang talaga ang ulo ko at hindi ako marunong makinig,” pilosopong sagot niya na ikinatawa nito.
She was there in her master's darkest times. Siya ang tumayong sandalan nito, tagapagtanggol sa lahat ng nagtangka sa buhay nito. Siya ang nagpalakas ng loob nito at naglayo rito sa bisyo na dahilan nang muntikan na naman nitong pagpasok sa rehab.
“You have a meeting with Mr. Donovan at nine o'clock. A lunch meeting with the CEO of Rossetti Holdings and—”
“Cut it off Aki, that's f*****g too much! Pwede bang i-cancel mo na lang 'yang lunch kay Rossetti,” reklamo nito habang binabasa niya ang appointments nito para ngayong araw.
Hawak din niya ang sandamakmak na papeles na kailangan nitong pirmahan. Bahagya itong tumunghay mula sa ginagawa at inilayo ang upuan. Nag-inat ito ng nangangalay na binti at maging braso na halatang pagod na rin sa kakapirma.
“I want to unwind. Pupunta ako sa UL mamaya, sama ka?” anito sa kaniya.
“Sure!” sagot niya kaagad. “But before that, pirmahan mo muna itong mga ito para makausad ang trabaho kahit nagliliwaliw ka roon sa AD Club,” dugtong pa niya.
“Aki—” “I will call Rossetti and Donovan and re-appoint your meetings today. Pirmahan mo na 'yan kung gusto mong magliwaliw ngayon araw.”
Tinalikuran na niya ito para hindi na ito makahirit pa. Umalis siya para makapag-ayos at para rin matapos na ng binata ang lahat ng iniwan niya. Marami-rami rin iyon. Natatawa pa siyang lumabas dahil alam niyang pagbalik niya ay katakot-takot na reklamo na naman ang maririnig niya mula rito.
Tatlong oras ang nakalipas nang balikan niya ang binata. “Hindi pa ba tayo aalis?” aniya.
Nagulat pa siya nang bigla nitong maibuga ang iniinom na tubig. Marahil ay nagulat niya ito sa pagsulpot niya. Ang OA ng reaksyon nito. Nakasuot lang naman siya ng leather jacket, tight black pants at inilugay ang itim ngunit wavy na niyang buhok ngayon. Nagpa-salon kasi siya.
“Huwag ka ngang nanggugulat!” sikmat nito sa kaniya. Muli itong uminom ng tubig at pinunasan na rin ang naibuga sa lamesa.
“Muntik pang mabasa itong mga papeles dahil diyan sa kagagahan mo,” saad nito sa kaniya. Wala namang kaso sa kaniya kahit ano pa ang itawag nito sa kaniya. Para lang sila nitong magkapatid kung mag-usap. Dagdag pa na hindi naman magkalayo ang edad nila at vibes din naman sila nito sa ibang bagay.
“Ako pa talaga ang sinisi mo sa abnormalan mo? Let's go, I miss the cage fights...” excited na saad niya.
“Cage fight ba talaga ang na-miss mo, oh iyong may ari ng building?” biglang saad nito na bahagya niyang ikinagulat.
“Shut the f**k up! Not funny,” inis na saad niya. Kahit kailan talaga wala itong magawa na matino at malakas din mang-asar. Mula ng bumalik siya ay palagi siyang binubwesit nito. Tumayo na ito at akmang huhubarin ang suot na suit—
“Labas!” sikmat nito sa kaniya. Hanggang ngayon ay ilang pa rin sa kaniya ang lalaki. Agad siyang umingos at inismiran ito.
“Duh! I'm not interested with your body, my dear Master! As if naman, tseh!” saad niya bago ito talikuran. Lumabas siya sa opisina nito.
Alam niyang medyo magtatagal ito sa pagbibihis dahil sa sugat nito sa katawan. Kakagaling lang ng binata sa isang operasyon. Muntik nang malagay ang buhay nito sa kapahamakan dahil sa patibong ng mga kaaway. Lumaban ito sa isang street fight at nadaya ito. Siguradong nagbebenda ito ng katawan na nasaksak ng Jagdkommando Tri-Dagger na muntik na nitong ikasawi. Muntik na rin niya itong dalhin sa Japan para doon ipagamot dahil sa takot niya.
“Tara na, ano ba? Ang tagal mo naman magbihis. Such a girly!” sigaw niya mula sa labas.
“Siraulo ka, alam mo naman na may binabalot pa ako rito!” Masamang tingin ang sumalubong sa kaniya nang lumabas ito sa extension room.
“Magaling na ba 'yan?” saad niya na bahagyang may pag-aalala sa tono.
“I guess so,” tipid nitong tugon.
“Next time, huwag ka kasing padalos-dalos. Lalo na kung hindi mo alam sino ang mga nasa harap mo. You have to be very careful with your life Master! Maraming naghahangad ng bagay na mayroon ka, lalo na kapag tumuntong ka sa bansang pinagmulan natin,” seryosong paalala niya sa binata.
“I don't have plans to go th—”
“You belong to that place, whether you like it or not you will step on it hindi man ngayon pero darating ang araw.”
Tinalikuran niya ito at nauna siyang lumabas. Palagi niya itong pinaaalalahanan sa bagay na iyon kahit na palagi rin silang nauuwi sa pagtatalo kapag iyon ang pinag-uusapan. Alam niyang darating ang araw na hindi na niya ito kailangang pilitin pa. Umaasa siya na yayakapin din nito ang kapalaran nito sa takdang panahon.
"Wow, bumisita ang Boss amo ng Pulang Dragon," bungad ng binatang kaibigan ng kaniyang master.
"Do you want to die?" banta niya. Nagsalubong kaagad ang kilay ng binata at halos maglabasan ang mga gatla nito sa noo dahil sa sinabi niya.
"Do you want me to die?" pang-asar na tugon nito. Palagi sila nitong nagbabangayan ngunit hindi naman niya maitatanggi sa sarili na nasisiyahan siya kapag napipikon niya ang binata.
"Oh well, if you always getting into my Master's nerve, why not?" prangka niyang sagot. At pakiramdam niya ay may bombang nagbabadyang sumabog dahil doon.
Naningkit ang mata ng binata at mas sumama ang pagkakatingin nito sa amo niya.
"Is she serious?" baling nito sa Master niya.
Hindi niya alam kung bakit ito nagtatanong ng ganon sa kaibigan. Ang totoo ay wala naman siyang balak na kahit ano rito, marunong naman siyang kumilala ng dapat at hindi dapat kinakanti. Masarap lang talaga itong asarin paminsan-minsan.
"Aba malay ko sa inyo? Nananahimik ako rito, idadamay n'yo ako sa pinagtatalunan n'yo na naman!" sikmat dito ng amo niya. "Parehas pa kayong in denial sa buhay," dugtong pa ng binata na nagpataas ng kilay niya.
"What-"
"Ano?" Halos sabay pa na sambit nila ni Z at pagkatapos ay nagtama pa ang kanilang mga paningin na kaagad rin naman niyang binawi.
"Kailangan talaga duet?" saad ng amo niya bago sila talikuran na dalawa. Naiwan silang dalawa ni Z sa awkward na sitwasyon na palagi niyang nararamdaman kapag malapit siya sa binata o kahit sa tuwing makikita niya ito. Dapat ay mag-di-disco sila nito pero bigla na lang nagyaya ang binata na siyang ikinabahala niya.
"What happened, Master? May masakit ba sayo?" kaagad niyang tanong.
"Book a flight, Aki... we're going to Japan."
Halos kakarating lang niya tapos babalik na sila kaagad? Bigla siyang kinabahan. Something is wrong with his Shujin at iyon ang ikinababahala niya.