Naiwang nakatulala si Akino sa sala. Nang wala na siyang marinig na yabang ng binata at masigurado niya na wala na ang presensya nito malapit sa kaniya ay saka niya hinayaan ang sarili na pakawalan ang luhang kanina pa naipon sa loob niya. Napaupo siya, kanina pa siya umiiyak matapos siya nitong pagsalitaan, bastusin at biglang iwan doon na para siyang isang nakakadiring may sakit. Hindi niya alam kung bakit tinanggap niya ang mga salitang iyon when she knows she doesn't deserves it at all. Tinanggap na niya sa sarili na siya ang sinisisi nito sa nangyari, somehow it was her fault. Okay lang sa kaniya ang makulong kung iyon ang gusto nitong mangyari, pero mukhang mas masahol pa sa pagkakakulong ang gusto nito. Pagkatapos umiyak ay mabilis niyang pinahid ang mga luha. Hindi ito ang panah

