Malawak ang ngiti ni Akino habang hawak ang itim na VIP card ng AD CLUB. As usual Haruma got it for her. Madali lang para sa binata ang gawin ang mga ganoong bagay because he was trained for that kind of thing. System hacker din ang binata at kaya nitong magtanim ng bomba at magpasabog ng isang buong syudad in just one click of his finger.
"Hey babygirl, did you get it?" Kausap niya ito sa kabilang linya pero kanina pa lumilipad ang utak niya. "Hey Aki, are you still there?"
"Yes, I'm still here Haru. What was it again? balik tanong niya sa kababata.
"I'm asking if nakuha mo ba ang pinadala ko?" ulit nitong saad.
"Yah! Yah... I got it already. Thanks Haru, you're the best!" aniya. Ipinatong niya sa side table ang hawak na card na gagamitin niya bukas na bukas din. Mukhang maglilipat na siya for a mean time.
"Ingatan mo iyang VIP card, Aki. That was genuine... hindi ko iyan ginamitan ng hukos pukos for all you know. That's legit!" sambit nito na ikinagulat niya. How can Haruma get a membership card that fast, at VIP pa talaga?
"Really? How?"
"I have my ways babygirl," maikling tugon nito sa kaniya. Haru used to call her babygirl but that was nothing for both of them. They have this so called platonic relationship na kahit yata magkakitaan pa sila ng katawan ay walang epekto sa isa't-isa iyon. She just seen Haru like a brother.
"Hmm... duda ako riyan sa mga ways mo, Haru. What was it really?"
"I had a contact inside babygirl, no worries okay. It wasn't illegal this time," sagot nito sa kaniya. When Haru says it is not, then it is not. He never lied to her, not even once.
"Thanks again, Haru. By the way how's Shujin?"
"He was fine. But sadder than before. We need to find his family before it was too late, Aki. It is a shame for us to continue this life when our master was living in despair," anito mula sa kabilang linya.
Napalunok siya, Haruma was right. Wala silang karapatan na ituloy ang maayos na buhay gayon ang taong dahilan kung bakit sila humihinga ay nabubuhay sa kalungkutan.
"I know, Haru... I know!'
"Sige na babygirl, marami pa akong trabaho. Take care of yourself and be careful always," pagpapaalalang saad nito.
"Bye, Haru."
Nang maibaba niya ang telepono ay nagpakawala na lang siya nang malalim na buntong-hininga. Hindi na naman siya mapakali. Kailangan na nilang madaliin ang paghahanap. And if that person was her Shujin's heir, she have to take him with her no matter what. Sa ayaw at sa gusto nito.
Nakakaramdam na naman siya ng pagkabalisa, at kapag ganitong pagkakataon ay isang bagay lang nagpapakalma sa kaniya. Kinuha niya sa drawer iyon at lumabas na naman sa beranda. Umupo siya sa railings at muling nagsindi ng isang stick. Napako ang tingin niya sa katabing unit at muli ay pumasok na naman sa isip niya ang nakita niya kagabi. Ang lalaking iyon, ang hubad nitong katawan at ang naghuhuminding nitong...
"f**k!" wala sa sariling mura niya. Iyon talaga ang naisip niya, ang nakita niyang p*********i nito? Ang paraan nito ng pakikipagtalik. She wasn't that innocent. May alam naman siya sa bagay na iyon dahil uso na ang pornsite sa panahon ngayon and her country is very open with that pero hindi siya iyong tipo na uunahin pa ang maka-experience kaysa sa mga plano niya sa buhay.
Muntik na siyang magkaproblema, natagalan pa siya sa paghihintay bago siya makabalik sa unit niya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na gagawa ng komosyon ang lalaking iyon. Talagang kinalampag nito ang security ng buong building. Dinig na dinig niya ang pagrereklamo nito sa mga staff, ang pagpipilit nito na may nakita itong babae na tumalon. Mabuti na lang talaga at mukhang hindi naman kumbinsido ang mga tao roon. Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag-iisip na tatalon sa ika-dalawampu't limang palapag na gusali sa kalaliman ng gabi? Ramdam na ramdam niya ang tensyon habang nakahiga sa sahig ng beranda sa ibaba na siyang natalunan niya. Doon na siya nagpalipas ng oras hanggang sa wala nang tao at nagpasiya na siyang bumalik sa sariling unit.
Nakaupo siya at nakatitig sa katabing unit nang biglang magbukas iyon at lumabas ang lalaki kagabi. Para siyang naputulan ng dila lalo na nang magawi ang tingin nito sa kaniya. Tila natuod siya sa pagkakaupo sa railing dahil sa lakas ng t***k ng puso niya. Ni minsan sa tanang buhay niya ay hindi nagregudon ang puso niya ng ganito. Kahit pa nga malagay siya sa bingit ng kamatayan ay hindi siya nakaramdaman ng kahit anong kaba. Handa siyang mamatay noon pa man kaya hindi niya kinatatakutan iyon. For her, ang kamatayan ay isang pribelihiyong matatawag . Ang siyang magbibigay sa kaniya nang walang hanggang kapanatagan. Pero ngayon, ano ang nangyayari sa dibdib niyang tumatahip nang hindi niya inaasahan at sa hindi malamang dahilan.
Malayo ang pagitan nila nito, at para rin sa normal na babae ay imposible na makarating siya sa kinalalagyan nito kaya imposible na pagdudahan siya ng lalaki, bagay na siyang ikinakakaba niya. Ang makilala siya nito. Lalong tumahip ang dibdib niya nang nakuha pa nito na humarap sa kaniya. At nang muli niya itong sulyapan ay saka lang niya napagtanto na nakahubad baro pala ang lalaki. At lantad na lantad na naman sa kaniya ang kalamnan nitong putok na putok sa muscle.
"s**t!" mahinang sambit niya at mabilis na nag-iwas ng paningin. Umaasa siya na sana ay hindi siya nito mapansin at mamukhaan. Kung hindi...
"Hi!" Napapikit siya nang marinig iyon. Nakuha pa niyang luminga dahil baka mamaya ay hindi naman pala siya ang binati nito. Kung si Haruma iyon ay normal lang na magkarinigan sila, dahil parehas namang hindi normal ang kapasidad nila ng kababata. Nang masiguro niya na wala namang ibang tao roon sa mga beranda sa katabing unit ay tumingin siya sa lalaki ay itinuro ang sarili niya.
"Are you talking to me?" Hindi niya alam kung bakit niya tinanong iyon na dapat ay iniwasan na lang niya. Hindi niya dapat hinayaan na makipagusap ang sarili rito. But why she can't avoid him?
"Yes! Wala namang ibang tao rito maliban sa akin at sa iyo," saad nito. "I'm just bothered about your position lady... that was dangerous!" anito. Kumurap-kurap siya habang nakatitig sa lalaki. Hindi ma-process kaagad ng utak niya ang sinabi nito. That man sounds worried, but why?
Sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya ay lumukso siya pababa sa railings at deresto at walang lingon-likod na pumasok sa loob ng unit niya. Damn! This feeling is so wrong. What the f**k is happening to her?
Zandre was shocked. Bigla ba naman kasing tumalon ang babae mula sa pagkakaupo nito sa railings. Muntik na siyang atakihin sa puso dahil sa kaba nang makita ang ginawa nito. Bukod sa napakadelikado kasi niyon ay ibang klase rin ang ginawa nitong kilos. Matikas ang katawan nito nang lumanding sa lapag. Ni hindi man lang ito umuga kahit kaunti. At isa pa nagulat siya nang bigla na lang itong pumasok sa loob ng unit nito. Dinig pa niya ang pagsara nito ng malakas sa glass door.
Napailing na lang siya nang wala sa oras. He was just being friendly to a supposed to be neighbour, kahit hindi naman talaga siya friendly. Trying hard lang dahil nakita niya ang magandang kurba ng katawan nito mula sa malayo. Wala naman kasing nakakalusot sa paningin niya, lalo na kapag babae at maganda.
Naalala na naman niya ang babae kagabi na namataan niya sa labas ng nakabukas ng pinto ng beranda ng unit na kinalalagyan niya. Sa kamalasan ay hindi man lang niya nakita ang mukha nito. But he was one hundred percent sure that it was a woman. A very sexy woman, based on her body built and figure. At alam niyang kitang-kita nito ang ginagawa niyang pakikipagtalik sa kasama niya kagabi. That very awkward moment. Kung magkrus man ulit ang landas nila ng babaeng iyon sa hinaharap, paniniwalaan ba nito na walang namamagitan sa kanila ng babaeng kasiping niya nang gabing iyon.
“f**k!” naibulalas niya. Ano ba ang iniisip niya? Ano ba ang pakialam niya sa iisipin ng babaeng iyon. Gaya nga ng hinala niya, maaaring iyon din ang babae sa annual fashion show. At kapag nagkataon na totoo ang hinala niya kakailanganin niya ang magdoble ingat.
Pumasok na lang din siya sa loob dahil lumalakas ang hangin at medyo nagtataasan na ang balahibo niya sa bahagyang ginaw na nararamdaman. Sanay siya na madaling nakikipag-flirt sa kaniya ang mga babaeng kinakausap niya. Kung minsan nga ay hindi na niya kailangan pa na ibuka ang bibig. Most womens will drool under his feet just to get his attention kaya medyo bago sa kaniya ang bigla siyang layasan ng isang babae. Hindi sa pagyayabang pero ini-expect niya na kakatok na lang bigla ang babae sa unit niya dahil ganoon naman palagi ang nangyayari. Kung sinu-sinong babae ang nakakasiping niya pero wala pa ni isa siyang dinala sa bahay niya mismo at sa penthouse niya sa loob ng AD CLB building na pag-aari niya. He is not into relationship at all, ang sarao kaya ng buhay niya na single ang always ready to mingle. Pero bumaling na lang siya ng tupa hanggang sa antukin siya ay walang babaeng kumatok. So, wala talagang interes kahit katiting ang babaeng iyon sa kagwapuhan niya? Oh, well that's a first. At kung sino man ang babaeng iyon, malaking kawalaan sa buhay nito ang nawala. Mayabang na kung mayabang but he is Zandre Zuniga and he is born with pride and power. Nakatulog na lang siya sa kayabangan niya.
Nang magising siya kinabukasan ay nagkukumahog pa siya sa pag-aayos dahil tinanghali na siya. Kailangan na naman siya sa UL dahil may mga schedule na naman na laban ay nangungulit na naman si De Dios. Hindi na talaga siya maunawaan ang kaibigan. Mas malala pa sa suicide minsan ang trip nito. May balak lang din naman yata na patayin ang sarili ang gusto pa ay unti-unti. And worst is gusto pa yatang sa loob ng teritoryo niya malagutan ng hininga.
"Boss!" bati kaagad sa kaniya ng tauhan niya sa UL na si Pablo nang dumating siya.
"Anong problema na naman dito Pablo?"
"Ano pa boss, eh di iyong kaibigan mo na hindi na yata mahal ang buhay niya, ayon nandoon sa clinic kausap si Sir Karloz," saad nito na nagpatigil sa pagkalikot niya sa hawak na cellphone.
"Nandito si Karloz?" aniya. Hindi pa man nakakasagot si Pablo ay humakbang na siya papunta sa clinic at inabutan nga niya roon ang dalawa.
"... yeah, I don't think so!" inabutan niyang saad ni Karloz o mas kilala sa tawag na Kirito Alas, kapag hindi ito tinatamad sa buhay nito bilang isang dugong bughaw at kapag feeling normal na tao ang walang hiya.
"What are you doing here, Pavloz?" kaagad niyang tanong.
"What kind of question is that Z? I'm a member here and I owned the unit at the twenty fifth floor, in case you forget," nakangising saad nito sa kaniya. Oo nga naman muntik na niyang makalimutan na halos dito na rin makatira-tira ang lalaki noong wala pa itong asawa. At ngayon nga na nagpasakal na ito sa babae ay bibihira na lang ito na magawi sa lugar.
"Alam ba ng asawa mo na nandito ka, Pavloz?" Kaagad na sumama ang mukha nito sa sinabi niya. Malamang ay hindi alam ng asawa nito na nandito ito, lihim dahil tiyak na magagalit ang tagapagmana ng mga Lopez na asawa na nito ngayon. Alam niya na pinagbawalan na ito ng babae na pumunta rito sa UL dahil sa mga illegal activities na nangyayari sa lugar. His wife knows everything at ayaw nito na muling sasampa sa ring ang asawa nito kahit pa sparing lang iyon.
"Shut up, Z! My wife doesn't have to know that I come here. Isa pa hindi naman na ako lumalaban pa. Huwag kang magkakamali tarantado ka, buntis ang asawa ko baka kung mapano 'yon!" Muntik na siyang matawa sa reaksyon nito. Kirito looks worried. Nasaan na ang maangas at badass na kaibigan niya. Parang tumitiklop ang mga tuhod nang dahil lang sa babae? Hindi niya kaya ang ganoon, wala pang babae ang dumaan sa buhay niya na kayang makaapekto sa kaniya at sa mga desisyon niya sa buhay. At wala siyang balak matulad sa mga kaibigan na nagpapakasira ng ulo sa babae. Womens are made for mens satisfaction. Kagaya na lang ng lalaking nagpalaki sa kaniya na ginawa lang trophy ang ina niya. Parang isang mamahaling bagay na kailangan lang kapag may bisita , display sa madaling salita. Na pagkatapos ay ibabasura o ilalagay na lang sa isang tabi pagkatapos gamitin. He hates it! he hates it but he become one. Hindi niya maintindihan ang sarili sa bagay na iyon. Kinasusuklaman niya ang lalaking iyon sa pagtrato nito sa kaniyang ina noon pero naging katulad din siya nito. He don't value a woman, not unless napapakinabangan niya ito. Naiinis siya sa mga babae na ginagawa ang lahat para sa mga kalahi niya. Naiinis siya sa mga mahihinang babae na nagiging sunod-sunuran katulad ng ina niya.
"Anong balita sa iyo, De Dios? Did I tell you na hindi ka muna pwedeng lumaban? Look at youself man! Parang kakaahon mo lang sa impyerno sa hitsura mo," sikmat niya sa binata na nakahiga sa kama. Nakapikit ang mga mata nito at puro galos ang mukha.
"Wala kang pake!" sagot nito na hindi man lang inabala ang sarili na magdilat ng mata.
"He's doomed!" sabad naman ni Kirito.
"Bakit? Ano na namang nangyari?" seryosong tanong niya kahit alam niya na babae na naman ang dahilan niyon. Nag-iisang babae lang. Wala namang bago, ilang taon na, na ganito si De Dios at sanay na sanay na siya.