Halos maubusan ng hangin si Akino sa pagsinghap nang magising sa parehong panaginip na iyon. Ten years had past pero ni minsan ay hindi siya pinatahimik ng mga bangungot. She’s living miserable hearing souls of her parents crying for justice.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga at dinampot ang kaha ng sigarilyo na nakapatong sa lamesa na malapit sa hinigaan niya. Sinalubong ng malamig na hangin ang kaniyang mukha pagbukas niya ng glass door ng veranda. Ika-dalawampu’t limang palapag ng RED DRAGON EMPIRE ang eksaktong kinalalagyan niya. Nakakalula ngunit wala siyang pakundangan na naupo sa grills na nagsisilbing harang doon.
Inumpisahan niyang hithitin ang hawak na yosi. Isa, dalawa, hanggang sa makatatlo. Tumigil siya nang maramdaman na bahagyang pumayapa ang utak niya. Mabuti naman at hindi na niya kailangan pang iminom ng anti-depressant para lang mawala ang sakit na nararamdaman niya. Sakit na hindi niya alam kung saan ba nagmumula. It was just there somewhere inside her body, but she can’t point out where exactly it was.
Muling nanariwa ang nakapangingilabot na nakaraan. Kung paano siya napunta sa kinalalagyan niya ngayon. Sa kamay ni Hedeo Kurashima Thahara, ang itinuturing niya na pangalawang ama. Ang kaniyang senpai na siyang nagturo ng lahat ng alam niya ngayon. Ang kaniyang Shujin na siyang may-ari na ng kaniyang buhay simula ng araw na iyon. Lahat ng mayroon siya ay utang niya sa taong iyon.
Kung paano na ang halos sampung taon ng buhay niya ay ginugol niya sa pag-eensayo. Sa pagkakadalubhasa sa larangan kung saan kilala ang orihinal niyang pinagmulan. Nang sa gayon, sa pagdating ng araw ng kaniyang paniningil ang lahat ng may sala ay luluhod sa talim ng kaniyang katana.
“Bad night again?” tanong ng lalaki sa kabilang balkonahe. Kasama niya ito pero nasa kabilang silid ito umuukopa at parehas sila ng binata na may kanya-kanyang trabaho kung bakit sila narito sa lugar. Parehas lang halos sila nito nang sinapit, silang dalawa ni Haruma na halos kapwa lumaki sa pangangalaga ng Shujin matapos paslangin ng mga walang kaluluwang nilalang ang mga pamilya nila.
“Masyado na ba akong pakialamero?” tanong nito ulit nang hindi niya ito sagutin.
“Sort of!” prangkang sagot niya sabay baba sa railings at deretsong pumasok sa loob.
She’s not friendly at all. Masyado siyang aloof at ayaw niya ng masyadong madaming tao sa paligid. Mas prefer niya ang mag-isa lang, mapatrabaho o ano pa man. Ayaw niya ng sabit dahil sagabal lang iyon sa kaniya. Pero nandito rin ang binata dahil sa misyon na iniatang dito ng kanilang Master. Anim na buwan na sila sa Pilipinas at marunong na nga sila ng lenggwahe ng mga tao rito pero wala pa rin siyang balita sa misyon niya. Mahirap maghanap ng taong labing pitong taon ng nawawala.
Papaupo pa lang siya sa kama ng biglang tumunog ang notification sa laptop niya. At kapag ganoong tunog ay alam na niya kung ano iyon. Side mission, bukod sa priority mission ay mayroon din silang mga side missions o trabaho na ginagawa. Hindi na siya nagsayang pa ng panahon at tinungo iyon at tiningnan. Mabuti naman, sa loob-loob niya. Ilang araw na rin siyang walang ginagawa maliban sa pagliliwaliw sa labas at paghahanap. Kailangan na ng dugo niya ng adrenalin rush dahil pakiramdam niya ay namamanhid na siya.
Pagkatapos mabasa ang laman ng mensahe ay kaagad din iyong nabura. Isinara niya ang laptop at nakangiting lumakad pabalik sa kama at humilata.
Someone is getting excited for tomorrow. Kumusta kaya ang mga taga-DEATH DOLLS ELITE o mas kilala sa tawag na DDE.
Kinaumagahan ay maagang naghanda ang dalaga. Hindi na rin naman siya nakatulog ng maayos pagkatapos ng nangyari kagabi. Inabala na lang niya ang sarili pagbabasa hanggang sa magliwanag ang umaga. And now she is preparing herself for another mission mula sa kinabibilangang organisasyon na isa lamang sa madaming hawak ng kaniyang Shujin. Isa siya sa Elite member ng Org. At hindi lamang siya basta miyembro nito kung hindi isa siya sa mga top ranker ng organisasyon.
And her name Akino Katakura was never existed in this society. Once she entered the facility, everything is change.
“Welcome back!” bati ng maskuladong security paglampas niya sa eye and body scanning machine.
Tanging tango lang ang naging sagot niya rito. Deretso siya sa conference room kung saan pinag-uusapan ang lahat ng plano at paplanuhin ng mga kabilang dito.
Pagpasok niya ay wala ni isang nilalang ang naroon. She walks directly and face the wall na may nakasabit na katana.
Inilabas niya ang suot na dogtag at pinasok iyon na parang susi sa butas na nasa gitna ng katana.
Kaagad na bumuka ang paibabang hagdan sa sahig. Isa iyong hidden stairs na pagpasok niya ay kaagad ding sumara.
“Finally!”
Salubong sa kaniya ng lalaking unang nakapuna sa kaniyang pagdating. Ngisi lang ang initugon niya rito. It was Chaos, isa rin sa ampon ng Shujin.
“Okay! Can we discuss about the target now!?” atat na sabad ni Seiko. Rank 4, DEATH DOLL ELITE member, just like her.
“Easy Sei! She just arrived. Maybe we can start again from the top!?” sarkastikong saad naman ng isa pang babae na nakaupo katabi ng nauna. Rank 2, Mirae Lee.
“It’s fine with me. Just give me that f*****g folder and continue your lessons,” walang kaabog-abog niyang sabi.
All eyes on her na para bang may pinasabog siyang building o hindi kaya ay may pinugutan na naman siya ng ulo ng mga oras na iyon.
“Okay! So, here it is...” Inabot sa kaniya ni Chaos ang itim na folder. Agad naman siyang naupo at inumpisahang tingnan ang mga iyon.
“So, barbie dolls who’s going to fly with this?” tanong ni Chaos.
Nakita niya sa sulok ng mga mata niya na nagtinginan ang dalawang hitad na kaharap niya, na animo ay nagtuturuan pa kung sino ang back-up at ba-back upan.
“I’ll take this one!” Sabay sara niya sa folder na binasa niya. “And I’ll do it alone!” dugtong pa niya.
Nakita niya kung gaano kataas ang kilay ni Seiko dahil sa sinabi niya.
“What?” tanong niya.
“Oh, well goodluck! Masyado ka yatang bilib sa sarili mo to take that job alone!” tila nang-iinsulto nitong saad.
“You want to do it?”
tanong niya rito sabay abot dito ng folder na naglalaman ng mga detalye. “ Here, take it!” nakangising saad niya.
Natigilan ang dalawa sa sinabi niya, specially Mirae na napako ang tingin sa itim na folder na iniaabot niya sa kasama.
Napuno ng tensyon ang buong silid.
Tila nagtatagisan sila at nagsusukatan ng lakas.
“Enough Ladies!” biglang putol na saad ni Chaos.
“ We are team here Barbies, not rivals!” paalala nito.
Narinig niya ang paghinga nang malalim ni Seiko. Wala namang nagawa si Mirae Lee kung hindi ang tumahimik na lang at umupo. Natapos ang meeting ng ganoon kabilis. Wala ng paliguy-ligoy pa. May mission, she takes it and leave.
She don’t have time for cheat chats. She always take the job seriously, and do it silently clean.
Rank 1 DEATH DOLL ELITE, a SPY, a SKILLED SYSTEM HACKER, BOMB EXPERT, the DEADLY DDE WEAPON and a SAMURAI MASTER.
DEATH DOLL CODE NAME: OREN ISHIE