"Mabuti naman at kumasya sa'yo!" Nasa loob sila ng sasakyan ni Zee at kasalukuyan na silang pabalik sa resthouse kung saan siya nito dinala at ang tinutukoy nito ay ang damit na ibinigay nito sa kaniya bago sila lumabas ng ospital. Maayos naman ang damit na suot niya. At least Zee considers what type of clothes she always wear kaya sinuklian na lang niya iyon ng isang tipid na ngiti. Hindi na siya nagsalita pa sa buong byahe, tahimik lang siya dahil okupado ang isip niya ng pinag-usapan nila ng kababata. Alam niyang seryoso si Haruma sa paalala nito sa kaniya kaya hindi niya iyon maaaring balewalain. Paulit-ulit na umuukilkil sa utak niya ang binitawan nitong salita na oras na may gawin siyang hindi maganda sa sarili niya ay hindi ito mangingimi na tapusin ang buhay ni Zee. "Bakit ang t

