Araw nang kasal. Marami-rami na ang taong naghihintay sa simbahan. Naroon na ang groom at ang mga tauhan nito na nakakakalat sa palibot ng pagdarausan ng seremonya. Maging siya ay abala rin sa pagbibigay ng instruction sa mga tauhan sa labas. Isa siya sa mga brides maid kaya naman inaayos na niya ang dapat ayusin habang wala pa ang bride at hindi pa nag-uumpisa. Hindi niya alm kung bakit may nararamdaman siyang hindi maganda ngayong araw. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi niya inaasahan kaya kailangan niyang maging alerto kahit sa loob ng simbahan. Hindi niya pwedeng hayaan na malagay sa panganib ang buhay ng master niya lalo na sa araw pa mismo ng kasal nito. She tapped her earpiece habang naglalakad siya para i-check kung may kahinahinala ba sa paligid. "Haru... where are you?

