"f**k!" mura niya matapos ibalibag ang hawak na mobile phone at magkawasak-wasak iyon an bumagsak sa sahig. May isang daang beses na yata niyang sinusubukan na tawagan ang kasintahan pero panay lang ang ring ng cellphone nito at ngayon nga ay tuluyan na itong nawalan ng linya. Hindi niya alam kung sinadya ba nitong i-off ang phone nito o ano. Sobra na ang pag-aalala niya matapos itong biglaang magpaalam sa kaniya at umalis. Bukod sa hindi na niya ito makontak ay hindi talaga ito dumalo sa entourage ng kasal. Maging sa reception ay hindi nagpakita maski ang anino nito. Kahit si De Dios ay nagtataka sa biglaang pag-alis ng dalaga dahil wala naman daw itong panibagong utos sa trabaho rito. "Where the f**k are you, Aki!?" usal niya. Kanina ay kapansin-pansin ang pagbabago ng kilos nito ng mak

