Chapter 4:
1 Month Later
Dahil hindi pumayag si Tita Sierra, wala akong magagawa. Sabi niya masasanay daw ako dito. Hindi na ako nagpumilit sa kanya. Pero hindi parin ako kampante dahil hindi ko kilala ang mga kasama ko dito sa school. Si Elisa minsan nalang pumapasok, ewan ko kung bakit. Si Adela, nakita ko siya last friday. Hindi ko na nakikita yung lalake sa may puno. I feel alone again. Gusto kong magtanong kay Tita Sierra kong bakit may ingay minsan pag gabi. As usual, hindi niya ako sinagot kaya hindi nalang ako nagtanong ulit. Lahat sila may tinatago sa akin. Pero hindi ako titigil dahil alam kong malalaman ko din sa huli kung may tinatago man sila sa akin. Napapansin ko may kakaiba sa mga estudyante dito. Noong isang araw nakita ko ang kaklase ko, hindo ko siya kilala dahil hindi sila nagsasalita na parang malalim ang iniisip. Napansin ko na may dugo ang bibig niya, noong una akala ko ketchup lang pero nabigla ako ng makita ko ulit siya na may dalang small bag, yung lalagyan ng dugo sa hospital. I was shocked dahil parang ginawa niya itong tubig, he was drinking it. Tuwing nakikita ko siya ay nanginginig ako. I can't stop thinking about him, what is he? dugo ba yong ininum niya? or baka juice lang, pero mukha talagang dugo. Dugo ba yun ng tao? Something wrong with this school.
Nandito ako ngayon sa library dahil feeling kong magbasa ng ibang libro, alam ko namang kakaiba ang mga libro nila dito. Mga kakaiba ang mga title ng mga libro dito. Pureblood. Agad kong kinuha ito at saka umupo.
Pureblood Vampires, or more commonly referred to as simply Purebloods, are that are born to two vampires. Unlike vampires, they were born with which resides in their DNA and is either released into the body 24 hours prior to turning the or in the event of death, in which case the blood is released immediately following death. Upon the release of vampire blood, their body begins the process of in which they complete their transformation and gain access to their powers. Because a newly evolved Pureblood matches the strength and speed of a 200-year-old convert vampire, Purebloods are heavily favored above both and converts among covens.
Purebloods must drink the blood of the living in order to remain vital. Despite this, they can eat human food but do not gain any strength from it. It also is flavorless to them. Purebloods possess all of the powers that converted vampires do, as well as a few extras exclusively for Purebloods. Most traditional abilities are more powerful in Purebloods than they are in converted vampires.
Vampires? I don't believe this kind of things. They don't exist in this world. Agad kong sinauli yung libro dahil nonsense lang ang nakasulat. Kung may vampires, may wolves din? hahahaha I feel crazy about this , thinking that they are real. Hindi ako naniniwala sa kanila. Impossible yun, mga kwento kwento lang yan ng mga sinaunang tao. Nang palabas na ako ay nakita ko na naman yung kaklase ko. He was talking to someone. Naalala ko yung nakita ko. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya kaya nabigla ako ng tumingin din siya sa akin. Nataranta ako kaya lumabas agad ako. s**t.
He caught me staring at him.
___________
Luna.
Luna.
Luna.
Luna.
Nagising na naman ako. 12:00am. I always had a dream about someone. I don't know kung babae ba or lalake kasi medyo malabo yung boses. Parang babae at parang lalake din kaya nalilito ako. Naalala ko pala ang birthday ko. Next week na pala yun. I'm turning 20. I hope papayagan ako ni Tita na lumabas para pumunta sa bahay. Gusto kong makita ang mga kaibigan ko. I really missed them. Kumusta na nga sila? Unang beses ko lang silang nakausap sa phone. Sabi ni Eleanor, may nobyo na daw si Zahra kaya palaging busy. Si Mia naman ay busy sa bagong trabaho. They are my true friends. I really loved them.
*********
''Luna, may sasabihin ako sayo''
Nabigla ako ng pumasok si Elisa. She looks happy.
''May bago tayong kaklase, hindi ba masaya yon''
Anu daw? new classmate? or classmates?Eh bakit mukha siyang masaya sa bagay na dun. Ngumiti ako ng kunti kahit hindi ko naiintindihan kong bakit siya masaya. Para sa akin normal lang ang magkaroon ng bagong kaklase. As if naman na magiging kaibigan nila ako or siya.
''Hindi lang isa, kundi lahat ng packs, kaya I'm so happy, It's been ages noong nag away ang pagitan ng vampires at wolves.''
Napatigil ako sa sinabi ni Elisa. Napahinto din siya. Did I heard it right? parang may narinig akong vampires at wolves? may sira ba ang pandinig ko?
''Ahhmmm A-aalis muna ako kaya kita nalang tayo mamaya Luna''
I think kailangan ko ng linisin ang tenga ko.
***********
Author's POV
It's been 200 years, pinutol ng mga vampires ang ugnayan sa mga wolves dahil sa isang sumpa. Isang sumpa ng isang makapangyarihang witch. Ang witch na ito ay si Alessia, galit siya sa mga vampires at wolves. Umibig siya sa isang half vampire/wolf. Alam ni Alessia na hindi pwedeng umibig sa vampire/wolf, dahil ito ay pinagbabawal sa kanilang lahi. Dahil sa pag-ibig ay sumuway siya at pinaglaban niya ang kanyang pagmamahal kay Marco. Noong gabing nalaman ng lahat ang tungkol sa kanila ay sumugod agad ang mga vampires at wolves sa tahanan ni Alessia. Walang kaalam alam si Alessia sa paglusob ng mga ito. Si Marco lang ang nakakaalam pero hindi niya ito sinabi kay Alessia.
Pero bilang isang makapangyarihang witch ay naramdaman ni Alessia yun kaya nagalit siya at pinagtanggol si Marco. Lumapit si Javier , leader ng mga bampira. Sinaksak niya si Alessia sa likod habang nakikipag away sa mga wolves at bampira. Hindi parin sumuko si Alessia, ginawa niya lahat para ipaglaban ang kanilang pagmamahalan pero ang hindi niya inaasahan ang ginawa ni Marco sa kanya. Sinaksak niya ito sa dibdib. Pumatak ang mga luha ni Alessia, masakit para kay Marco ang ginawa niya sa babaeng pinakamamahal niya. Wala siyang choice kundi traydorin si Alessia. Dumaloy ang mga dugo ni Alessia sa lupa. Nanghihina na ito pero pilit parin niyang lumaban kahit hindi na niya kayang tumayo. Umiiyak parin siya habang tinatawag ang pangalan ni Marco.
Lumapit si Nicolas, tinatawag na alpha ng mga wolves. Kinuha niya ang kutsilyo na hawak ni Marco. Nilapitan niya si Alessia at saka ito sinaksak sa dibdib. Nanghihina na siya. Pero bigla itong nagsalita. Nag iba ang mga mata nito. Her eyes is green. Nagsimula itong magsalita ng ibang lenggwahe. Tinuro niya si Javier ( Leader ng bampira) at si nicolas ( Alpha ng mga wolves), tumawa siya ng malakas kaya biglang natakot silang lahat.
'' Darating ang panahon na iibig ang isa sa mga anak niyo sa isang tao, isang babaeng sisira sa relasyon ng iyong uri, ang babaeng iyon ay magiging mate ng dalawa niyong anak ahahaha, pag hindi niyo pinutol ang ugnayan sa isa't isa ay magkakatotoo ang mga sinasabi ko hahahhaah''
Huminto ito at saka nagsalita ulit.
''ᛏᚺᛖ ᚹᚨᚱ ᛒᛖᛏᚹᛖᛖᚾ ᚡᚨᛗᛈᛁᚱᛖᛋ ᚨᚾᛞ ᚹᛟᛚᚡᛖᛋ ᚹᛁᛚᛚ ᛒᛖᚷᛁᚾ.''
Matapos ng gabing iyon ay pinutol na nila ang kanilang ugnayan. Alessia died. Niyakap ni Marco si Alessia sa huling sandali ng kanyang hininga. Simula noon ay hindi na pwedeng tumapak sa territory ang bampira sa lugar ng mga wolves at ganun din ang mga wolves. Pero 200 years na ang nakakalipas pero hindi parin nagkakatotoo ang sumpa na binanggit ni Alessia. May mga anak na sila, mga binata na ito pero wala parin silang sign sa sumpa kaya napag desisyonan nila na ibalik ang kanilang ugnayan.
(END OF AUTHOR'S POV)
___________
Ngayong araw daw darating ang mga new students kaya excited ang ibang estudyante at hindi mukhang naiinis naman yung iba. Maya maya ay may dumating na mga mga lalake, bakit ang dami nila? at may mga babae naman. Hindi ko inaasahan na ang dami pala nila, parang isang batalyon. Nakita ko naman si Elisa na sobrang saya at may hinahanap ito. Baka isa sa kanila ang boyfriend niya.
Wrong timing.
Biglang sumakit ang tiyan ko kaya nagmamadali akong tumakbo para mag cr.
''Hayy sa wakas''
Hindi na ako bumalik sa labas dahil medyo masakit pa ang tiyan ko. Hindi naman ako kumain ng marami. Bakit kaya sumakit ang tiyan ko? Naisipan kong matulog mona. Medyo nahihilo ako ng kunti. Anung nangyayari sa akin.
**********
? POV
Si Dad at si lolo ang may gustong bumalik sa dati ang lahat. Naisip nila na mas maganda kung magtutulungan nalang kami dahil mas lumalakas ang pwersa ng mga demons. They killed so many vampires and wolves and also humans. Kaya nandito na sila para protektahan ang mga estudyante dito. Tatayo na sana ako pero parang nanghihina ako. Simula noong pinanganak ako ay hindi pa ako nakaranas na manghina ng ganito. Something wrong with my body. Nararamdaman ko ang pag iba ng kulay ng aking mga mata.
Shit. What's wrong with me.
__________
''Arayy, ba't ang sakit ng tiyan ko''
Kanena pa ako dito sa cr. Sobrang sakit kasi ng tiyan ko. Naubos na ang lakas ko kaya muntikan na akong matumba kanena, mabuti nalang nakahawak pa ako sa pinto. May inilagay kaya si Tita sa pagkain ko. Pinilit kong maglakad papunta sa kama dahil wala na akong lakas at nahihilo na ako. Ang sakit ng buong katawan ko. Parang tinutusok yung puso ko. Parang may hinahanap ako.
Maya maya ay bumukas ang pinto at nakita ko si Elisa. Hindi ko na alam kong anung nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
? POV
'' May problema ba?''
Anung nangyayari sa akin? bakit parang nanghihina ako bigla. First time kong manghina. What's wrong with my body?
''You don't look ok kaya mabuti pang-''
''I'm ok''
I hope she's ok.
_______
Luna.
Luna.
Luna.
Luna.
Luna.
Please come with me.
''Ahhhhhhhh''
Panaginip na naman. Who is that person? Anung oras na? 12am. As usual.
''Luna, ok kalang?''
Nabigla ako ng makita si Elisa at Adela. Bakit sila nandito? Ngayon ko lang sila nakitang nandito sa ganitong oras. Anung meron?
''Ok lang ako Elisa''
Ngumiti ako ng kunti kaya nawala sa mukha ni Elisa ang pag aalala. Napatingin naman ako kay Adela. Wala siyang kibo pero masaya parin ako dahil nandito siya.
''Nga pala Luna, may pagkain ka na naman kaya kumain kana dahil namumutla ka na''
Agad ko namang kinuha ang pagkain. I hope hindi na sasakit ang tiyan ko dito.
Beep.
'' I hope you are ok, please eat more Luna''
Napangiti ako sa text ni Tita. She is concerned about me.
*********
Tomorrow is my birthday. I'm super excited dahil makikita ko na ang mga bestfriends ko. Masaya ako dahil pinayagan ako ni Tita Sierra. I will be staying there for 3 days. Kaya inaayos ko na ang gamit ko. Kunti lang naman ang dadalhin ko dahil hindi naman ako magtatagal. I can't stop smiling kaya nagtataka si Elisa.
''You look happy Luna, anung meron?''
Lumapit ako sa kanya.
''Aalis ako ngayon''
''Uuwi ka?bakit?''
''Kasi birthday ko bukas''
Nagulat siya sa sinabi ko.
'' Parehas pala kayo ni Damien at Lucas''
Napatingin ako sa kanya dahil narinig ko ang sinabi niya kahit mahina ang pagkasabi niya. Hindi ko nalang pinansin yong sinabi niya dahil nagmamadali na ako. I'm so excited.
Nagpaalam na ako ng Tita at kay Elisa. Lumabas na ako ng gate sabay hintay sa sundo ko. May inutusan si Tita para ihatid ako. 2pm pa naman kaya nandito ako sa labas naghihintay.
'' Luna, nakalimutan kong mag greet sayo, advance happy birthday pala, sayang hindi ka makakadalo sa party bukas ng gabi''
''Salamat Elisa, teka, party? anung meron bukas?''
''Birthday ng anak ng may ari ng school''
Naalala ko yung sinabi niya kanena.
'' Parehas pala kayo ni Damien at Lucas''
Twins ba sila? Damien at Lucas? Tumango lang ako sa kanya sabay tingin sa kotseng paparating.
'' Oh panu ba yan , aalis na ako''
Lumapit siya sa akin sabay yakap kaya nabigla ako. She looks worried.
''Mag ingat ka Luna''
I smiled at her.
''Oo naman at saka ikaw at si Adela, mag ingat din kayo''
Nag iba ang mukha niya sa sinabi ko pero tumalikod na ako para sumakay sa kotse.
''Please be safe Luna because they are coming for you''
*************
@xiulanmin