Mapple's Pov NASA KWARTO kami ng tanderz ko habang inaasekaso niya ako. Nahihilo kasi ako at hindi na kayang tumayo pa. Pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko kapag sinusubukan kong bumangon. Hindi ko na pinilit pang tumayo dahil nasusuka talaga ako. Gusto ko lang humiga. Ewan ko ba, ito ang unang beses na naranasan ko 'to. Para bang umiikot ang bahay ni kuya Red na para bang may lindol. Kaya todo asikaso sa 'kin si kuya Red. Dapat nga ay may pasok ako ngayon ngunit sa nararamdaman ko ngayon ay malabong makapasok ako sa school. Maaga din ako sumuka sa banyo kaya todo alalay sa 'kin si kuya Red. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa 'kin at talagang hilong-hilo na ako. Parang gusto ko na lang magpadala sa hospital at magpa admit. Wala naman sana akong kinain na kung ano-ano

