Chapter 21 Book II Mapple’s Pov MASAMA kong tinignan ang asawa ko na may ginawang kalokohan sa ‘kin kanina. Masisipa ko talaga siya sa mukha. Pasalamat siya kanina ay hindi tumama sa mukha niya at nailagan pa niya ang sipa ko kundi makakatikim talaga siya. Bigla tuloy akong kinabahan sa quiz namin ni teacher dahil wala akong maintindihan. Naka focus kasi ako sa sarap na ginagawa ni Red sa ‘kin. Nasagutan ko naman lahat ngunit hindi ko lang sure kung tama ba ang sagot ko. Mag che-check palang kasi kami ni teacher. Yung asawa ko ay nasa tapat ko lang nakaupo at nagpapansin sa ‘kin. Hindi ko na nga siya kinakausap dahil mamaya talaga siya sa ‘kin. Sakal sa leeg ang a-abutin niya. Biglang tumayo si Red kaya akala ko ay may gagawin na naman siyang kalokohan. Ngunit naglakad siya papunta

