Chapter 8 Book II Mapple's Pov EXCITED na ako pumasok sa school bukas. Balik eskwela na talaga ako kaya ang asawa ko ay nakasimangot. Ayaw pa yata akong papasukin dahil nag-aalala daw siya sa'min ni baby. May pinipilit pa siyang gustong gawin. Gusto niya kasi na mag home school nalang ako. Para hindi na daw ako mahirapan. Napaka boring naman kasi pag ganun. Mas gusto ko pa din ang mga makahalubilo sa ibang estudyante. Pinipilit parin ni Red kahit ayaw ko talaga. Kaya siya nakasimangot na naman dahil hindi nasunod ang gusto niya. Syempre ako ang batas sa bahay kahit sabihin niya na siya ang lalaki. Nandito kami sa sala ng asawa ko. Kumakain ako ng mani kahit ang aga-aga pa. Balak sana naming maglakad-lakad sa labas ng bahay para makapag exercise ako. Ang takaw ko kasi talaga ngayon

