Book II Chapter 2 Mapple's Pov NAGISING ako dahil narinig ko ang boses ni Red na parang may pinapapaalis siya. Sa mga tawa ako nagising kaya napabangon ako ng wala sa oras. Pero bago ako bumaba ng kwarto ay naghilamos na muna ako ng mukha sa banyo. Nag toothbrush na din ako dahil panay pa naman ang halik sa 'kin ni Tanderz este.. Red pala. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng banyo. Tinungo ko ang pinto ng kwarto habang tinatali ang buhok ko. Nakakagutom talaga. Kumukulo na ang tiyan ko kaya kailangan ko ng bumaba. Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan naglalakad. Nang makarating ako sa hagdan ay nakita ko agad si Red na nag ma-mop ng sahig. Narinig yata niya ang yapak ko kaya dali-dali siyang lumingon sa 'kin. "Good morning, baby girl." Bati niya sa masiglang boses. Hindi

