Chapter 10 Book II Red’s Pov TUMAWAG muli ang kaibigan kong si Dival at ngayong araw daw siya magpapasundo sa 'kin sa airport. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan ay hindi ko talaga susunduin ang gagong ‘to. Una ko munang hinatid si Mapple sa school dahil baka malate siya sa school. Naging maayos naman ang pagbalik niya kahapon sa school at wala daw siyang naramdaman na hilo o suka man lang. Natuwa naman ako dahil hindi siya pinahirapan ng baby namin. Hindi mawala sa isipan ko ang asawa ko kahapon habang nasa office ako. Kulang nalang ay pumasok na naman akong estudyante para lang mabantayan ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pwedeng gawin yun dahil pinagbantaan na ako ng asawa ko. Walangya! Siya na ang batas ngayon kaya takot na ako sa kanya. Nakakatakot kaya magalit ang asawa ko.

