Mapple's Pov NANDITO kami ni kuya Red sa mall at binibilhan niya ako ng mga kailangan kong gamit para sa katawan. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami at palinga-linga sa paligid. Sabi ko kasi sakanya na sa supermarket nalang kami pupunta dahil safeguard lang naman ang ginagamit ko sa katawan para patay agad ang germs. Ayaw naman niya pumayag dahil karapat dapat daw akong bilhan ng mamahalin na sabon. Kahit gumasto pa daw siya ng malaking pera basta ang importante ay nakakatulong mapanatili daw ang makinis kong balat. Kanina pa kami nag babangayan sa loob ng sasakyan niya dahil ayaw ko pumunta ng mall lalo na't wala akong napkin na gamit. Habang naglalakad kami ay napangiwi ako dahil may bumulwak na naman sa b****a ko. Kailangan ko na talagang makabili ng napkin. Tu

