Chapter 11 JESSICA'S POV "What?" Hindi makapaniwala si Jessica sa mga narinig at pabaling-balingan ang tingin nito kay Connor at sa katulong na naka-hawak pa ito sa pulsuhan nito. Lumakas pa ang hinala ni Jessica na mag kalapit nga ang dalawa sa isa't-isa. "Jessica." Lumuwag ang pag kakahawak ni Connor sa pulsuhan ni Lala na makita ang fiancee na narinig nito lahat na kanilang pinag-usapan. "S-Sabihin niyo sa akin na hindi t-totoo ang mga narinig ko ngayon, Connor." May sakit sa tono ng pananalita ni Jessica. Ayaw niyang paniwalaan na totoo man kong ano ang narinig niya ngayon. "Sabihin mo sa akin na mali lang ang narinig ko. Sabihin niyo m-mali lang akala ko. Hindi mo nabuntisan ang hampas-lupang maid na iyan, right?" Bumasag na ang pananalita ni Jessica at pamamasa ng mata nito. So

