Chapter 65 LALAINE’S POV Hindi ko na mabilang ang aking pag buntong-hiningga at ibang pakiramdam na binabaybay ng sasakyan kong saan ako naka sakay ang familiar na daanan. Pumasok ang sinasakyan ko sa isang private na lupain at huminto ito sa tapat ng malaking Mansyon. Umaapaw ang malakas na pintig ng aking puso na matigil ang makina ng sasakyan na hudyat naka rating na nga kami. Bahagya akong dumungaw sa bintana at pinag buksan kaagad ako ng pinto ng isa sa mga tauhan at lumabas na. Nang umapak ang paa ko sa sementadong sahig at matanaw ng aking mata ang malaking Mansyon na minsan kong naging tahanan ng ilang buwan noon. Nanumbalik sa aking isipan ang mga ala-ala at magagandang memorya na tumira ako dito. Nilabas na ng mga tauhan ni Connor ang ilang mga gamit ko sasakyan at naka ab

