Chapter 48 LALAINE’S POV Nagising ako sa malamig na pag buga ng aircon at nanunuot iyon sa aking laman. Binalutan ko nang makapal na comforter ang katawan ko para maibsan ang lamig at siniksik pa ang mukha ko sa unan para ibalik ang sarili ko sa mahimbing na pag kakatulog. Antok na antok pa ako at gusto ko pang mag hilata sa kama. Pilit ko man na ibabalik ang sarili ko sa pag kakatulog, ngunit sobrang lamig na tumatagos sa buto ko. Minulat ko muli ang mata ko at bumunggad sa akin ang tahimik na kwarto namin ni Connor. Pakiramdam ko nasa loob na ako ng freezer sa sobrang lamig ng silid. Asan na nga ang remote ng aircon at mapatay na? Kinapa ko pa ang kaliwang bahagi para maabot ang maliit na table kong saan madalas kong maipatong ang remote. Papatayin ko na sana ngunit nahinto ako

