Chapter 75 LALAINE'S POV "B-Brent." Tawag ni Jessica na hindi maalis ang mata sa naka hawak nitong kamay sa pulsuhan. Lumunok pa si Jessica sa sarili nitong laway, at hindi maikukubli ang gulat at takot sa pag dating lamang nito. "B-Bitawan mo ako, Brent." Gamit ang pwersa ni Jessica, hinahatak nito ang kamay pabitaw ngunit naging porsigedo na hindi bitawan ni Brent na ikinapula naman ng pisngi nito sa galit. "A-Ano ba! Hindi mo ba ako bibitawa—Ahh!" Lumukot ang mukha ni Jessica na walang kahirap-hirap na pinilipit ni Brent ang pulsuhan ng dalaga na mangiyak-ngiyak na ito sa sakit. Tahimik naman ako sa tabi nilang pinapanuod silang dalawa, na maagaw na namin ang atensyon ng mga taong naroon sa Shop. Tumitig muli ako sa mata ni Brent, na hindi nga talaga ito nag bibiro na saktan at pa

