Chapter 71 JESSICA'S POV Nang makita ko kaagad ang secretary ni Connor sa station nito, hindi na ako nag palampas pa ng pag kakataon na nilapitan ito. Huminto ako sa harapan na kaagad naman natigil ito sa ginagawa at gulat na gulat na makita ako. "Mam Jessica," kabado na kina-tayo naman para batiin lamang ako. "Nandiyan ba si Connor?" Hindi na ako nag paligo'y-ligoy pa ng aking sadya. "Wala po si Sir Connor Mam, kanina pa po siya umuwi." hindi ko nagustuhan ang sinabi nito na maski ako mismo nauubusan na rin ng pasensiya. Matapos ng gabing huli kami mag usap na dalawa ni Connor na ipag tulakan ako nito palabas ng kanyang Mansyon, iniwasan niya na ako. Sinubukan ko siyang itext at tawagan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag ko. Ilang beses rin ako nag pabalik-balik sa kompaniya p

