Chapter 51 CHAPTER 51 Nagising si Connor nang mapansin na wala na sa tabi niya ang asawa. Bumangon na siya sa kinahihigaan at lumabas na sa kanilang silid, na hindi man lang nag hilamos. Hindi na nag palit nang damit na pang tulog si Connor, suot niya pa rin ang black pants at puti na loose longsleeve. Magulo ang buhok na tinatahak ni Connor pababa nang hagdan at una niya kaagad nakita si Lala na naka-tayo sa tapat ng pintuan at naka-bukas ng konti ang siwang ng pag kakabukas ng pinto at hindi nakita ni Connor kong sino man ang kausap nito. Matagumpay na naka-baba na si Connor sa hagyan at tinahak niya ang paa na lapitan si Lala. Walang kibo at reaksyon pa din ito at una kaagad napansin ni Connor na naka-titig lamang ito sa bagong dating. “Sino ba iyan, Lala?” tuloy-tuloy na tanong ni

