Chapter 60 LALAINE’S POV Kanina pa ako pabalik-balik at hindi mandaugaga na palakad-lakad sa hallway ng Hospital. Pinag lalaruan ko na ang aking kamay at ang mata ko naman masa-masa na sa pag aalala ngayo’y wala pa akong balita sa resulta sa aking anak. Dinala ko siya sa pribadong hospital at si Aling Susan na muna ang nag bantay sa kanyang silid. Pinapadaanan ko na lang ng tingin ang mga tao na nag lalakad at may ngilan-ngilan naman akong nakita na dumaraan na nurse at doktor. “Denver, Denver,” iyan na lang ang nasambit ko at hindi ko na maitago na lubusang ako nag aalala at natatakot na ito ang unang pag kakataon na mag kasakit ang anak ko. Nag kakasakit naman siya pero hindi ako dumating sa puntong isusugod ko na siya sa Hospital at nararamdaman kong iba ito ngayon. “Lala,” ang bo

