Chapter 62 LALAINE’S POV Kanina pa ako pasilip-silip at nag aabang sa labas, tanaw ko sa harapan ko ang malaking Mansyon na haharangan ng malaki at mataaas na bakod, at may nag babantay din sa labas na parang guard doon. Alas dose na nang tanghali at hindi na alintana sa akin ang tirik na araw sa aking kina-tatayuan, at ang kabila ko naman kamay may tinatawagan na numero ngunit nag ri-ring lamang iyon. Mahigit dalawang oras na akong naka tayo sa labas at nag babakasaling lumabas si Itay mula sa Mansyon. Dalawang araw ko na itong tinatawagan, pero walang sumasagot kaya, naisipan ko na lamang na puntahan ito mismo sa address na naka-sulat sa business card na inabot nito sa akin no’ng nag kita kami sa Mall. Hindi ko man sanang gustong gawin ito, pero susubukan kong huminggi ng tulong s

