Araw-araw Naging busy rin naman ako sa iba pang sumunod na araw dahil sa mga guesting ko at mga interviews. Hindi ko naman magawang tanggihan lalo na't nagsisimula narin akong itayo ang sarili kong building para maging aware rin ang lahat roon. Iyong nangyari sa isang estasyon ay naging tikom ang bibig dahil narin sa pagbabanta ni South roon sa Manager. Nakakapaso ang pagtama ng init sa aking balat nang makalabas ako sa kotse. Ang malawak na lupaing ibinigay sa akin ni Lolo Rico ang bumalandra sa aking harapan pagkalabas ko. May maliit na rest house sa hindi kalayuan at gawa sa narra tree. Para iyong modernong bahay kubo dahil sa ganda nito. "Doon tayo," hinawakan ni South ang aking siko para kunin ang aking atensyon. Tumango ako at naglakad patungo roon. Binisita naming dalawa ang

