Kundi bibitawan kita Nang araw na iyon, hindi ko na alam kung nagalit ba si Aries o ano. Pero nagsorry naman ako sa kanya through text. Maybe hindi na siya nakareply dahil sa pagod at hindi na ulit nakatawag dahil sa pagiging busy. Si Kuya Toshi at Kuya Grey ay balik na ulit sa pagpapansinan. Para silang hindi nag-away noong nakaraang araw dahil normal na ulit ang pakikitungo nila sa isa't isa. Akala ko talaga ay mag-iiwasan na sila. "Babae ang ganoon, Nana." sabi pa ni White sa akin noong sinabi ko ang bagay na iyon. Na akala ko ay magdededmahan sila. Konting araw nalang ang natitira sa amin at pasukan na ulit. Kaya bago bumalik sa eskwela, nagplano silang mag-outing sa huling pagkakataon para mas masulit ang summer. "Mga pantulog mo?" tanong sa akin ni White pagkababa ko ng akin

