Selos "Lolo Rico!" Mabilis kong iwinagayway ang aking kamay nang makita ko siya roon sa screen. "How are you, apo? Iyong site... Napuntahan mo na ba?" tanong niya sa akin. Base sa kanyang background, mukhang nasa kanyang opisina siya. Maybe Lola is out? Mag-isa lang kasi ito sa screen. "Pupunta po ako later sa site, Lolo..." Sinuklay suklay ko ang basang buhok. Kakatapos ko lang maligo nang tumawag ito at nakikipagvideo call. Minsan, pag tumatawag iyan ay gusto niya lang asarin si Daddy. "Hmm, so you already have your Architect? I can send some professionals if you want, Nana." Ngumuso ako roon, "h'wag na po lolo. I already have one po..." "Magaling ba iyan? Baka nagtitipid ka lang kaya kung sino sino nalang ang pinagkukuha mo diyan. Just tell me." Kung sasabihin kong si South,

