Drunk "Ma'am," tawag muli sa akin noong sekretarya ni South sanhi para matigil ako sa kakaisip ng kung ano ano. Iyon ang nagtulak kay South para lingunin ako nang marinig ang boses ng babae. Napalunok ako ng laway at ikinalma ang sarili. Tumayo siya at nailabas ang mga kamay na nasa bulsa. Ang mukhang nababagot ay tuluyang napalitan ng kung ano. Naglakad akong muli habang iniinda ang paninitig ni South sa akin. Ang kanyang mga mata ay mabilis na nalaglag sa aking dibdib at walang ano anoy umigting iyon. Ang misteryosong mga mata ay dumidilim na akala mo nagbabadya ng kung anong kidlat. "Maiwan ko na po kayo," sabi noong sekretarya nang maihatid rin ako sa harapan ni South. Tumango lang ito, ni hindi na bumaling sa babae at pinaghila ako ng upuan. Imbes dumeritso ang mga mata sa akin a

