48

3271 Words

Label Natahimik ako sa aking mga narinig mula sa kanya. Ang aking mga mata ay nagsisimula ng manlabo dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.  "Pakiramdam ko makakapatay ako sa t'wing may lumalapit sa'yong iba." dagdag niya sa kalmadong mukha ngunit matigas na boses.  Tumulo ang aking luha na agaran kong pinahiran. Gusto ko rin naman... Gustong gusto ko ang mapalapit kay South. Kahit anong layo ko sa kanya, may parte sa akin ang humihila pabalik sa aking daanan dahil alam kong naroon siya at naghihintay lang. Pero parang isang pader ng kahapon ang palaging humahadlang sa akin at natatakot ako na baka maulit lang naman ang lahat. Na baka ang taliwas na naman sa inaakala ko iyang ipinaparamdam niya. I am still hooked with the past... na kahit anong pilit kong makalimot nalang ay naroon parin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD