Dirty Hindi ko na masyadong mapagtuunan ng pansin ang mga rumarampang modelo dahil sa imahe ng lalakeng pamilyar na pamilyar sa akin at nakaupo sa di kalayuan kasama ang isang babaeng may ibinubulong sa kanya at tumatawa ng marahan. "Iyang kasama niyang modelo ay si Frances Ardentes. Siya na ata ang bagong dinidate ng maharot na Architect na iyan... Kahit kanino nalang kasi nalilink kaya hindi ko rin matukoy kung single ba o hindi..." pagpapaliwanag ni Danica sa akin nang mapansin niya ring hindi ko na magawang tanggalin ang aking tingin sa kinaroroonan nila. Napalunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin. Kahit dim ang ilaw, malinaw sa akin na siya iyon... malakas ang kutob ko na siya talaga iyon. "Magkaedad lang ata kayo niyan, Cana. Mabuti narin iyong may Chain ka kaysa sa mga ganyan

