Welcome back, Nana It was a hot afternoon when my feet touched the familiar ground of the airport. Nakakasilaw ang sinag ng araw at para akong winiwelcome sa aking pagbabalik dahil sa pagkakatama nito sa aking balat. Napangiti ako nang napagtanto kong nasa Pilipinas na talaga ako. Anim na taon rin akong nawala at hindi na ako magtataka kung ganito nalang ang aking paninibago sa nakalakihan kong bansa. Tapos na iyong fashionshow ko sa America at katulad noong nangyari sa France, naging matagumpay rin naman ang show. Kasabayan pa iyon ng aking birthday sa pagiging 22 ko ngayong taon at iyon na ata ang napakagandang regalo na natanggap ko, ang pagiging successful noon. Masyado akong naoverwelmed sa mga papuring natanggap at mga connections na nakuha ko roon. May panibagong modelo ulit akon

