Natapos kaagad ang klase namin kaya naman good mood ako habang papalabas ng campus. Kinuha ko ang cellphone sa pocket ko ng marinig ko ang notifications. Pag-open ko ng message ay napakunot-noo ako agad. To: My Innah I have an important job today. Let's postpone the dinner. I love you. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga mata ko, at hindi mapakali sa isang direksyon lang, halos magkasalubong na ang kilay ko at mabilis ang aking paghinga. Agad kong tinawagan si Nanay Jen matapos mabasa ang text. "Hello, Nanay Jen. Nasaan si Mommy?" natatarantang sabi ko. "Umalis po s'ya Ma'am mag-isa," ani Nanay Jen. "S'ya ang nagmamaneho?" Gulat na tanong ko habang napakurap-kurap. "Anong hotel po?" Pagkatapos marinig ko ang pangalan ng hotel na pinuntahan ni Mommy ay agad akong sumugod doon. Nagmam

