Napadaing s'ya dahil napahigpit lalo ang pagkakahawak nito sa kamay n'ya. "Edgar, nasasaktan ako!" Binitiwan siya ng binata. Pairap siyang tumalikod dito at itinuloy ang ginagawa sa cooking table. Habang pasimple n'yang hinaplos ang mag bakat ng kamay ni Edgar. "Hindi mo ako kailangang pagsabihan pa, Ed. Alam ko kung saan ako nakatayo at kung ano man ang desisyon ko, labas ka na ron.." "Saan, Teen?" "Sa lupa. Sa mababa pero matibay na lupa ng realidad. Ed, huwag kang mag-alala dahil hindi ko nakakalimutang anak lang ako ng isang magsasaka at si Kurt ay isang Vergara, ang tinitingala at mayaman rito sa lalawigan natin." "Paano kung niloloko ka lang niya? Paano kung niligawan ka lang niya at ngayong siyota ka na niya'y hingin na niya sa 'yo ang tunay niyang gusto?" Marahan siyang n

