"Hindi ako yan!" tili niya sabay duro sa akin, "Ganyan ka na ba kainggit sa akin para siraan mo ako?" "Bat hindi ka mag-audition sa ABS-CBN, papasa ka doon for sure. Best in actress, gusto mo pa ba makita ng lahat ang itsura mo dito?", natahimik naman siya bago yumuko, ang mga kamay niya ay bumilog at handa na manuntok. Best in actress ang gaga, ang galing umarte halatang pro na sa paninira at pagtanggi ng mga kasalanan sabay pasa sa iba para maging mukhang mabait at kampihan ng lahat. Hindi ko alam kung may konsensya pa siya sa lahat ng ginagawa niya, sa lahat ng mga paninirang ginawa niya. Ganyan na talaga ang tao pagkinulang sa aruga at sa pansin, gagawa ng mga paraan para mapansin at magmamalinis na kung kailangan na. I hate them, I hate them dahil ganito ang ginawa nila sa akin.

