Being part of this family is unexpected. Ang daming what if's sa utak ko, ang daming mga bagay na negative kesa sa mga bagay na positive. Hindi ko kasi akalain na iba ang magiging byenan ko maliban sa parents ni Kurt dati. Akala ko ay wala na ring tatanggap sa akin, sino ba naman ang tatanggap sa isang r**e victim at may anak pa pero kahit ganon, ngayon, malapit na rin akong ikasal. Humawak ako sa kamay ni Dylan habang siya ay inaayos ang pagkarga kay Nine. "I love you!" nakangiti kong sabi humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko bago ngumiti. "May kasalanan ka o may gusto ka kaya ang sweet mo ngayon?" tanong niya. Napanguso nalang ako sa tanong niya at binitawan ang kamay, porket ba sweet ay may kailangan na tsaka may kasalanan na nagawa? Natutuwa lang naman ako dahil sa nalaman k

