Maaga kami na gising para puntahan ang bahay nila Dylan, tumawag kasi ang mommy niya kagabi na gustong makita na si Nine. Sinabihan nalang sila ni Dylan na ngayon nalang kami pupunta dahil pagod na rin ang apo nila. "Paliguan na kita, baby." Sabi ko at hinuburan na ng damit si Nine. "This country is so hot mommy, I don't want to go out." Sabi nito. Napatawa ako sa sinabi niya, mas sanay kasi siya sa mataas na klima na hindi uso sa Pilipinas. "I will tell to your daddy nalang na lakasan ang aircon mamaya," kinuha ko ang remote ng AC at hininaan ng kaunti, sigurado na malaki ang bill namin sa kuryente dahil sa lakas ng aircon sa kwarto namin ni Nine. Ang condo ni Dylan ay may dalawang kwarto, ang sabi niya kasi dati ay madalas na nag-oovernight ang mga iilan niyang kaibigan kaya mas pini

