“Baby, open your eyes” Binukasan ni Nine ang mata n’ya, kita ko ang tuloy-tuloy na paglandas ng mga luha sa mga pisngi n’ya. Ang sakit makita, ang sakit makita na wala akong magawa para patahanin s’ya ngayon. Sorry anak, sorry. “Ibaba mo na ‘yan, Raven” sabi ko sa kanya pero ngumisi s’ya sa akin at tinaas ang kamay n’ya. “Sige, gawin n’yo ang gusto n’yong gawin sa babaeng ‘yan.” Sabi n’ya bago naupo. “Mommy!” sigaw ng anak ko. Nakatingin lang ako sa kanya, habang sapilitan na tinatanggal ang damit ko ng isang lalaki. Naalala ko lahat ng pangarap ko, pangarap na magkaroon ng buo at maayos na pamilya, ‘yon lang naman ang gusto ko, ‘yon lang pero bat naging ganito ang lahat. Bakit? Bakit ang sama sa akin ng tadhana. Wala naman akong ginawang masama, wala akong inaapakan na tao hanggang

