“Raven” kusang lumabas sa bibig ko ng makita s’ya na parehas na nakatingin sa amin ni Kurt. “Alam mo, malandi ka talaga. May fiancée ka na lahat-lahat nilalandi mo pa ang asawa ko!” sigaw n’ya bago tumingin kay Kurt na ngayon ay pinipigilan s’ya sa paglapit sa akin. “Asawa? Nagpapatawa ka, Raven. As far as I know live in lang kayo at kahit kailan hindi naghanda ng kasalan” kita ko naman ang gulat sa mukha nya sa sinabi ko. Bakit, mali ba ako? “How dare you!” duro n’ya sa akin at akmang susugurin na ng mahawakan ang braso n’ya ni Kurt. “Stop, Raven! Hindi tayo nandito para makipag-away at gumawa ng eskandalo!” natigilan naman s’ya sa ginagawa nya bago tumingin kay Kurt. “Really? eskandalo?” tumawa s’ya ng mahina bago pabalang na kinalas ang braso n’ya kay Kurt. “Hindi pa tayo tapos”

