Nakatingin ako sa anak ko habang nasa byahe, papunta kami ngayon sa condo unit ni Dylan para kumuha ng iilang mga gamit. Nagpahatid kami sa driver nila momma ng matapos ko makausap si Tito, ayaw pa kami paalisin ng una pero ng bulungan s'ya ni tito Rolando ay agad na rin 'tong pumayag pero kailangan ay ihatid kami ng maayos sa bahay. "Mommy, Daddy's calling!" sabi ng anak ko at pinakita ang ipad niya na tumatawag ang daddy n'ya thru messenger. "Should I answer it mom?" dugtong niya. Marahan akong tumango sa kanya at mabillis niyang sinagot ang tawag. "Hello Daddy!" masaya n'yang bati, nag-iwas ako ng tingin ng makita ang ngiti ni Dylan habang kausap niya ang daddy niya. Ang tunay n'yang daddy. Hindi ko akalain at halos hindi ko lubos maisip na s'ya ang may kagagawan ng mga 'yon, na s'ya

