“Pasensya na Leah sa istorbo” hinging paumanhin ko ng abutan n’ya ako ng tubig, nakaupo kami ngayon sa sala n’ya habang ang anak ko ay mahimbing ng natutulog sa kabilang sofa. Masyado s’yang napagod sa buong araw na puro byahe ang nangyari. Kinapa ko ang ulo ng anak ko at inaayos ang paghiga n’ya sa sofa bago tumingin kay Leah at Aizen na parehas ng gising na nakatingin sa amin. “Anong problema?” tanong ni Leah, seryoso ang mukha niya na nakatingin sa amin. “Bukas ko sasabihin, pwede ba maiwan muna si Nine dito? Ngayong gabi lang, kukunin ko rin s’ya bukas ng umaga." Pakiusap ko. Ayaw ko makita ni Nine ang ginagawa ng daddy n’ya sa sarili niya, pati na rin ang pag-aawayan namin ngayon. Masyado pa s’yang bata para harapin at malaman ang nangyayari sa amin ng daddy niya, ayaw ko s’ya ma

