Chasing You - 7

1263 Words
Meadow's POV: "Meadow." Napatingin ako sa kaklasi ko ng tawagin nya ako. "May naghahanap sayo." "Sino daw?" Ngumiti ito ng nakakakilig kaya napakunot noo ako. "Tingnan mo nalang." Sabi nito saka umalis. "Anong nagyari don? Parang maiihi eh." Sabi ni Cresent na katabi ko lang. "Sino naman kayang naghahanap sayo?" Nagkibit balikat ako. Wala din kasi akong kaide-ideya kung sino ang maghahanap sa akin ng ganitong oras. "Ewan. Titingnan ko lang." Tumayo na ako. "Sandali, sasama ako." Pinigilan ko sya sa akmang pagtayo nya. "Dyan ka lang." "Eh gusto kong makita kung sinong nanghahanap sayo eh." "Makikitsismis ka lang." Napanguso ito. "Taposin mo yang drawing mo." Hindi ko na sya hinintay na makapagsalita pa saka ko sya iniwan. Makiki-tsismis lang kasi yon eh. Lumabas ako ng room para harapin ang naghahanap sa akin. Nang makalabas ako ay napatingin ako sa kaliwa pero wala akong kakilala na pwedeng maghanap sa akin, kaya napatingin ako sa kanan. Isang malaking bouquet na tulip ang bumungad sa akin. Napakunot-noo ako saka napatingin sa may hawak nito. At laking gulat ng makita si Sebastian na may malaking ngiti sa labi. "Sebastian?" "Ako nga, wala ng iba pa." Inilahad nito sa akin ang hawak nyang bulaklak. "For you."  "Para sa akin?" Tumango ito bilang sagot. Tinanggap ko ito. "Salamat, pero bakit mo naman ako binigyan nito?" "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo nong isang araw?" Natawa ito. "Isang araw pa nga lang ang nakakaraan Meadow, nakalimutan mo na agad? Hindi mo talaga ako siniseryoso." Iiling-iling nitong sabi. Naalala ko naman ang araw na yon. Ang araw na nagkita kaming muli sa club na pagmamay-ari nito. *** "Ihahatid ko na kayo." Pagrerepresenta ni Sebastian ng makalabas sila sa club nito. "No need. May sasakyan at driver kami." Sabi ko. Bigla itong na disappointed sa sinabi ko. Gusto ko mang pumayag ay hindi naman pwede dahil nga sa may sasakyan at driver kami. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ng makita ang disappointment at kaunting lungkot sa mukha nya. "Ihatid mo nalang sya Seb." Nagulat ako sa sinabi ni Cresent pero mas nagulat ako ng bigla nya akong itulak ng malakas dahilan para mapaub-ob ako kay Sebastian. Naiinis akong tumingin sa kanya. "Ikaw na bahala dyan ah." Bago pa ako makasagot ay tumakbo na ito papunta sa sasakyan saka mabilis na umandar ang sasakyan paalis. Napanganga ako sa bilis ng nangyari. Anak ng... Iniwan ako ng bruha. Ilang minuto akong nakatingin sa daan na dinaanan ng sasakyan kasama si Cresent. Hindi din ako nagsalita at ganon na din si Sebastian. Pareho ata kaming nagulat sa ginawa ni Cresent. "Oh Gray." Napabaling ulit ako kay Sebastian. Nakatingin ito kay Gray na kalalabas lang ng club, kaya napabaling naman ako kay Gray. "Bakit hindi mo ata hinatid si Cresent?" "May sasakyan at driver daw sila eh. Next time nalang. Marami namang next time eh." Nakangiti nitong sabi at nagulat ng makita ako. "Oh Meadow. Hindi ka pa ba uuwi? Akala ko nakaalis na kayo ni Cresent." Nauna kasi kaming magpaalam sa kanila na uuwi na kami, kaya nakapagtataka talaga kung hanggang ngayon ay nandito parin ako. Naging blangko ang mukha ko ng maalala ang ginawa ng bruhang Cresent sa akin. "Iniwan ako eh." "Iniwan ka?" Gulat nyang tanong. "Eh sinong maghahatid sayo?" Napatingin ito kay Sebastian at mukhang nakuha ang sitwasyon. "Oh." Natawa ito. "Si Cresent." Banggit nito sa pangalan ng kaibigan.  Pangalan lang ang sinabi nito pero para bang marami na itong sinasabi. Na para bang sa pagbanggit lang sa pangalan nito ay alam na nito ang ginawang kalokohan ng kaibigan. Napailing nalang sya. Humanda talaga sa akin ang isang yon pag-uwi ko. Makakatikim yon ng batok. "Oh sya, una na ako. May gagawin pa ako eh." Tinapik nito ang balikat ni Sebastian. "Bye Meadow." "Bye." Kumaway ako sa kanya. "Tara?" Napabaling ako kay Sebastian. Mukhang wala na nga akong choice. Sumunod na ako sa kanya papunta sa sasakyan nito saka sumakay. Walang nagsasalita sa amin kahit ni isa habang nasa byahe kami. Nagtanong lang sya kung saan ako nakatira, at sasagot din naman ako. Yon lang at wala na. Nakaramdam ako ng awkward sa sitwasyon namin. Hindi ko alam kung bakit hindi sya nagsasalita. Tumingin nalang ako sa bintana buong byahe. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay tumingin ako sa kanya. Isang minuto ko syang tiningnan, hinihintay kung may sasabihin pa ba sya pero wala, kaya naman nagsalita na ako. "Salamat sa paghatid." Hindi ko na sya hinintay pang sumagot saka ako bumaba ng sasakyan. Mukhang wala naman talagang balak na makipag-usap sa akin ang lalaking yon. Saan na ang sinasabi nyang namiss nya ako pero ni hindi man lang ako kinakausap. Tss. Bigla akong nakaramdam ng inis. Naglakad na ako papasok pero napahinto din ng tawagin nya ako. "Meadow." Lumingon ako sa kanya. "Bakit?" Lumapit ito sa akin saka tiningnan ako. Napalabi, bubuka ang bibig saka ititikom. Parang may gustong sabihin pero hindi masabi-sabi. Napakamot ito sa kilay nito saka huminga ng malalim. "A-ano..." Bumuga ulit ito ng hangin. Nagulat ako ng bigla syang sumeryoso. "Pwede ba kitang ligawan?" "Ha?" Wala sa sariling usal nya. Nagulat sya sa bigla nitong sinabi. "Gusto kitang ligawan. Hindi ko alam kung paano ba magpaalam para manligaw. Kung kailangan ba ng bulalak o tsokolate bago magpaalam." Napakamot ito sa batok. "Kung kailangan, pwede next time nalang?" Gusto kong matawa sa naging tanong nya pero hindi ko magawa dahil nararamdaman ko na medyo nahihiya sya at the same time seryoso. Huminga ulit ito ng malalim. *** CLAP! Nabalik ako sa ulirat ng pumalakpak si Sebastian sa mismong harap ng mukha ko. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin na may halong kunting pag-aalala. "Are you okay?" "Ha?" Bumuntong hininga ito. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman nakikinig. You look like thinking something. Are you okay?" "Yeah, I'm fine. May naalala lang." Tumango sya saka bahagyang ngumiti. "Anyway, may usapan ba tayo ngayon maliban sa panliligaw mo?" "Wala naman." Tumawa ito. "Sasabihin ko lang sana sayo na susunduin kita mamaya, may surprise ako para sayo." Napangiwi ako sa sinabi nya. "Ano naman yon?" "Secret." Inilagay nito ang hintuturo sa gitna ng labi nito saka kumendat. Bigla ay namula sya dahil nakikita nya ang pagiging cute nito dahil sa ginawa nito. Napabaling sya sa kaliwa para hindi makita nito ang pamumula nya. Damn! Bakit ang cute nya? "Libre ka ba mamaya?" tanong nito ng hindi sya magsalita. Napapikit sya ng mariin saka palihim na humugot ng malalim na hininga. Pinapakalma ang sarili dahil nagsisimula na namang magwala ang puso nya. Damn it! Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko, baka kasi mautal ako bigla. Nakakahiya yon. "Yeah." Tumingin na ako ng diretso sa mga mata nya para ipakita na hindi ako naapektohan sa presensya nya. Pero bigo ako. Agad kong binawi ang tingin ko dahil para akong hinihigop ng mga mata nyang kulay itim. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang mga mata nya gayong ngayon ko lang naman ito nakita, at hindi ko alam kung bakit may familiarity akong nararamdaman kapag tumitingin ako sa mga mata nya. Napailing ako sa mga naiisip ko. Kahit ano nalang pumapasok sa isip ko ngayon. "Great." Masaya nitong sabi. "So, I'll pick you up later. Bye." Hindi na ako nakasagot ng bigla itong tumakbo. Napa-poker face ako. Bakit ba hindi hinihintay ng mga tao ngayon ang sagot ko bago sila umalis. Napailing nalang ako saka pumasok ng room. Malaking ngiti ni Cresent ang sumalubong sa akin ng makarating na ako sa upuan ko. "Ang sweet naman." Kinikilig na sabi nito. "Tss. Wag mong sabihin sa akin na hindi ka pa nabibigyan ni Gray ng bulaklak." "Nabigyan naman na. Pero todo effort din naman kasi ang Sebastian mo Mof. Sa maraming tao ka pa talaga nya binigyan ng bulaklak. Wow! What such a romantic." Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nya. Napatingin sa bulaklak at napangiti. Tulip. My most favorite flower.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD