Meadow's POV:
"Ano na?" Binangga ni Cresent ang balikat ko gamit ang balikat nya. "May balak ka na bang sagutin si Seb? Ha? Ha?" Itinaas-baba pa nito ang kilay nya.
"Hindi ko pa nga alam. Ano ka ba." Naiinis ko ng sabi sa kanya. Kanina pa nya kasi ako tinatanong ng ganyan. Paulit-ulit nalang. "Tigilin mo na nga ako, okay?"
"Ito naman. Para nagtatanong lang." Ngumuso ito dahilan para mapailing ako. "Gusto ko lang naman malaman kung sasagutin mo na ba sya."
"Hindi ko pa nga alam, okay?" Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat. "Basta, ikaw ang una makakaalam kung sasagutin ko na sya. Sa ngayon," Napatalikod ako sa kanya para hindi nya makita ang pamumula ng mukha ko. "Gusto ko na sya."
Agad akong napatakip ng tenga ng bigla itong sumigaw at nagtitili. Tama nga ako sa hinala ko, sisigaw talaga ito kapag nalaman na nito na gusto ko na si Sebastian. Ang lakas makasigaw ngayon na alam nya na may gusto na ako kay Sebastian, ano pa kaya kapag sinabi ko na sa kanyang kami na. Baka maghalumpisay ito sa saya.
"Oh my gosh! Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango ako. "Oh my gosh. I'm happy for you Mof."
"Thank you Mof."
Nagyakapan kami sa sobrang saya namin. Gusto ko si Sebastian at nararamdaman ko na kunti nalang ay mahal ko na sya. Nitong mga nakaraan ay hindi ko na naiisip si Zachary dahil palaging si Sebastian na ang naiisip ko. Mukhang effective ang ginawa nyang pagbigay ng stuff toy sa akin.
Napangiti ako ng makita kong tumatawag si Sebastian.
"Hey." Bati nito mula sa kabilang linya.
"Hey. Napatawag ka?"
"Nag-aya sila na mag-bar mamaya. Sama ka?"
"Basta kasama ka." Hindi ko mapigilan na mapangiti at kahit hindi ko nakikita ay alam ko na nakangiti ngayon si Sebastian.
Kausap ko pa nga lang si Sebastian ay kinikilig na ako. Ano pa kaya kung magkaharap kami ngayon? Baka sumabog ang puso ko. Haha
"Oo naman." Natahimik ito sa kabilang linya kaya naman napatingin ako sa cellphone, baka kasi patay na. Pero naka-on call pa naman sya, kaya binalik ko sa tenga ko ang cellphone. Hindi naglaon ay nagsalita na din sya. "I miss you."
Napalabi ako para pigilan ang pagngiti ko dahil sa sinabi nya. Baka kasi mapunit ang mukha ko kapag hindi ko napigilan. Baka kasi umabot na ang ngiti ko sa mga mata ko. Haha.
Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang kabog nito. Tumitibok ng mabilis para kay Sebastian at nararamdaman ko din ang mga paru-paro sa tyan ko.
"I miss you too." Napangiti ako ng marinig ko ang mahina nyang tawa.
Alam ko na masaya sya dahil ito ang unang beses na sinabihan ko syang na miss ko din sya.
"Kita nalang tayo mamaya. I love you." Agad nyang pinatay ang tawag.
Nilagay ko sa dibdib ang cellphone ko saka niyakap. Konti nalang Sebastian, masasabi ko na din sayo na mahal na kita.
NAG-AABANG AKO dito sa parking lot dahil ang usapan namin ni Sebastian ay dito kami magkikita. May pinuntahan pa kasi sya kaya wala sya sa campus. May huminto na sasakyan sa harapan ko, kahit hindi pa nakakababa ay napangiti na ako.
"Sorry. Kanina ka pa?"
"Hindi naman."
Ngumiti sya saka ako inalalayan na pumasok ng sasakyan. Nang mapasok din sya ay may kinuha sya sa backseat saka binigay sa akin. Napangiti ako ng isang pumpong ng pulang rosas ang binigay nya sa akin.
"Thank you."
"Your welcome." Ngumiti ito bago pinaandar ang sasakyan.
Nang makarating kami sa bar ay dumiretso na kami sa VVIP room kung saan nandon na din ang mga kaibigan namin. Nang makapasok ay nakita namin sila sa kanya-kanya nilang upuan.
"Nasan si Allison?" Agad na tanong ni Sebastian ng mapansin na wala si Allison.
"Umuwi sya sa kanila. May emergency daw." Sagot ni King saka uminom ng alak sa baso nya.
Mukhang wala sa mood dahil wala ang asawa nya. Bilib din ako sa dalawang to eh. Kahit ang babata pa nila naging mag-asawa ay nakikita ko naman sa kanila na mahal na mahal nila ang isa't-isa.
"Sayang naman. Hindi tayo kompleto."
"May susunod pa naman eh." Nakangiting sabi ni Grayson.
Umupo na kami saka nag-inoman habang nagkukwentohan. Ang pinagtripan ng mga lalaki ay ang kaibigan nilang si Troy dahil nagtino na daw ito dahil kay Farye. Namula at nahiya naman si Farye dahil tinutukso silang dalawa.
"Tigilan nyo na nga kami. Nahihiya na si Farye eh." Mas tinukso sila ng isubsob ni Troy sa dibdib nito si Farye para hindi nila makita ang namumula na nitong mukha.
Nitong nakaraan ko lang din nalaman na magkaklasi pala kami nina Farye. Hindi namin sya napansin dahil masyado syang mahiyain at tahimik.
"Ang sabihin mo ikaw na tong nahihiya. Haha." Banat ni Sebastian. Kinuha ni Troy ang baso saka binato ito kay Sebastian.
"Gago." Ngisi nitong sabi.
Nagpatuloy ang kwentohan lalo na ang asaran.
Di kalaunan ay napagdesisyonan namin na pumunta sa bahay nina Blake dahil nag-text daw sa kanya si Allison na nakauwi na ito. Nagkanya-kanya na kami ng sakay saka nagtungo sa kanila.
"Bakit King?" Tanong ni Sebastian ng makababa kami at nasa tapat na ng gate ng bahay nila.
Nakakunot ang noo ni Blake habang nakatingin sa gate na medyo nakabukas.
"Bakit nakabukas ito?" Nagtataka parin nitong tanong.
"Baka naman hindi nasara ni Allison." Sabi ni Darren pero umiling lang si Blake.
"Imposible. Palaging sinisigurado ni Allison na nakasara ang gate at pinto lalo na kapag gabi."
"Baka naman hindi nya sinara dahil alam nyang dadating ka." Komento naman ni Troy.
"Hindi eh. Parang may mali." Sabi ni Blake at bigla na din kaming kinabahan.
Baka pinasok ang bahay nina Blake kaya nakabukas ang gate. Agad na pumasok si Blake sa bahay saka sinigaw ang pangalan ni Allison. Agad din kaming sumunod dahil baka may nangyari ng masama sa kanya.
Hindi pa kami nakakapasok ay may naaamoy na kaming dugo. Napatakip ako ng bibig at napasinghap sa bumungad sa amin nang makapasok na kami ng bahay.
Halos naliligo na ng dugo ang bahay nila. Basag lahat ng gamit. Sira ang sofa at punit-punit na, at ang mas nakakagulat ay may mga bangkay na nakahilata sa sahig. Parang isang m******e ang naganap sa bahay nato. Agad akong niyakap ni Sebastian. Nasusuka ako sa mga bangkay na nakita ko dahil may mga hiwa ang iba't-ibang parte ng katawan nila.
"MyQueen."
Napatingin kami kung saan nakatingin si Blake. Nagulat ako ng makitang halos naliligo na sa dugo si Allison at may mga sugat. May hawak syang samurai.
"Oh my gosh! What happen here?" Nagugulohang tanong ni Faith. Alam kong katulad ko at nagugulohan din sila.
"MyQueen!" Agad na tumakbo si Blake papunta kay Allison ng bumagsak ito sa semento.
Sabay-sabay din kaming nagsitakbohan papunta kay Allison. Wala na syang malay.
"Dalhin na natin sya sa hospital King bago pa sya maubusan ng dugo." Sabi ni Gray.
Agad na binuhat ni Blake si Allison saka tumakbo palabas.
NANDITO KAMI ngayon sa hospital. Nasa labas kami ng ER, hinihintay ang magiging resulta kay Allison. Nakita ko kung paano mahilamos ni Sebastian ang kamay nya mula sa mukha hanggang sa ulo, sinabunutan nito ang sariling buhok. Katulad ko ay alam ko din na nag-aalala sya kay Allison.
Hinawakan ko ang nanginginig nyang kamay para pakalmahin sya. Katatapos lang namin na pakalmahin si Blake kanina dahil sinisisi nya ang sarili nya at hindi nya naprotektahan ang asawa nya. Ayaw ko naman na pati si Sebastian ay magwala. Napatingin sya sa akin.
"Magiging okay din sya." Sabi ko saka ngumiti sa kanya.
Napatitig ako sa kanya ng pinagsiklop nya ang kamay namin saka hinalikan ang likod ng palad ko.
"Sana nga." Napabuntong-hininga sya. "Ayokong may mangyaring masama sa kapatid ko."
KINABUKASAN ay maaga akong sinundo ni Sebastian dahil dadalawin daw nya si Allison ngayon sa hospital. Magbabakasakaling magising na. Sinabi kasi ng doctor kagabi na hindi pa daw nya alam kung kailan magigising si Allison dahil naubos daw ang buong lakas nito at marami ding dugong nawala sa kanya kaya naman kailangan talaga nito ng pahinga.
Bago kami pumunta ng hospital ay dumaan muna kami sa isang fast food saka nag-agahan. Habang kumakain kami ay napansin ko na konti lang ang nakakain nya. Hinawakan ko ang kamay nya na nasa mesa kaya naman napatingin sya sa akin.
"Bakit konti lang ang kinakain mo? Nag-aalala ka parin ba kay Allison?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Baka kasi magkasakit sya sa ginagawa nya. "Okay naman sya sabi ng doctor di ba?" Napabuntong-hininga ito.
"Hindi ko parin maiwasan na mag-alala habang hindi ko nakikitang gising na sya."
"Mahalaga talaga sya sayo no?" Bahagya itong ngumiti.
"Oo naman. Gaya ng sabi ko, para ko na syang kapatid. Nung pinakilala sya sa amin ni Blake bilang fiancee nya ay magaan na talaga ang loob ko sa kanya. Masayahin kasi si Allison kaya mas mabilis na napalapit ako sa kanya."
Napatingin ako sa kamay nyang may hawak na tinidor. Naging mahigpit ang pagkahawak nya dito kaya nakaramdam ako ng kaba saka napalunok. Baka kasi bigla nya akong saksakin, joke. Haha
"Kaya kapag nalaman ko kung sino ang may gawa non sa kanya ay ako mismo ang papatay sa kanya." Puno ng galit na sambit nya.
Mas dumoble ang kaba ko dahil sa nakikitang galit sa mga mata nya. Kaya naman pinisil ko ang kamay nya dahilan para tingnan nya ako sa mga mata.
"Ipaubaya nalang natin sa mga police ang nangyari Sebastian." Hindi parin nawawala ang galit sa mga mata nya kaya naman tiningnan ko sya ng nagsusumamo. "Please? Ayoko na mapahamak ka. Ayokong may mangyaring masama sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo Sebastian."
Nakahinga ako ng maluwag ng lumambot ang ekspresyon ng mukha nya. Sya naman ang pumisil sa kamay ko saka hinalikan ang kamay ko.
"Wag kang mag-alala Meadow, hindi ako mapapahamak." Ngumiti sya kaya naman napangiti na din ako.
Nang matapos kaming kumain ay nag-take out din sya ng pagkain para kay Blake. Dumiretso kami sa bahay nina Blake dahil kukunan nya ng gamit sina Blake at Allison. Ayaw din kasing iwan ni Blake si Allison sa hospital. Naaawa tuloy ako kay Blake. Sobra talaga syang nag-alala sa asawa nya.
Nang makarating kami sa tapat ng gate ay sya ring kararating ni Troy.
"Nasan si Farye? Hindi mo ata sya kasama." Tanong ko ng mapansin kong hindi nya kasama ang girlfriend nya.
"May tataposin pa daw syang research. Didiretso nalang daw sya sa hospital mamaya." Sagot nya kaya naman napatango nalang ako.
Sabay kaming tatlo na pumasok sa loob. Huminga pa ako ng malalim bago kami makapasok dahil nasisigurado ko kung anong naabutan namin kagabi ay sya ring maaabutan namin ngayon.
Sabay kaming tatlo na napasinghap ng makita na ang kagabing magulong bahay, naliligo ng dugo at basag na mga gamit, ngayon ay malinis na. Tila hindi dinaanan ng trahedya kagabi.
"What the hell is happening here?" Hindi makapaniwalang sambit ni Troy. "Pinalinis mo ba to kahapon dre?"
"Hindi." Nakakunot-noong sagot ni Sebastian. "Kaninang umaga ko lang tinawagan ang grupo para ipalinis to. Himala naman ng matapos lang nila ito ng isang oras."
"Then who?" Nagkibit-balikat si Sebastian. "Tatawagan ko ang mga tao natin mamaya para alamin kung sino ang naglinis ng kalat." Tumango lang si Sebastian biang sagot.
Humarap si Sebastian sa akin. "Ikaw na ang kumuha ng gamit ni Allison at kami na ang bahala sa gamit ni Blake." Tumango ako.
"Sige."
Dumiretso na ako sa kwarto nina Blake saka kumuha ng ilang damit ni Allison. Malaki ang bahay nila kaya hindi na ako magtataka kung malaki din ang kwarto nila mag-asawa. Nang matapos kami ay dumiretso na kami sa hospital.